Alden nakalimutan ang daan papuntang ‘Eat Bulaga’

Hinahanap ng kanyang mga fan si Alden R­ichards. Nag-trending kahapon ng umaga sa Twitter ang hashtag na #ALDEN-WerNaU at halatang missed na missed na siya ng kanyang mga tagahanga.

Sinimulan ng Alden Trendsetter Official ang tweet na hinahanap nila si Alden at naglabas ng official hashtag for the day.

“It’s been a few days since filming of #HelloLoveGoodbye officially wrapped, and we’re all eagerly waiting to see Alden back on TV! What’s next for him? We’re quite sure you want to ask, #ALDENWerNaU?

“But hey, @aldenrichards02, wherever you are, whatever is next, ‘dito lang us,’” ang tweet ng Alden Trendsetter Official.

Ang “Hello, Love, Goodbye” ay ang title ng movie nina Alden at Kathryn Bernardo under Star Cinema. Matatandaang umalis ang dalawang bida patungong Hong Kong noong first week of April para i-shoot ang naturang pelikula for one month.

Dahil mahigit isang buwan na nga naman ang nakalipas, inaasahan na ng fan ang pagbabalik ng aktor sa bansa.

Sunod-sunod ang tweets kahapon ng mga tagahanga ni Alden at halos lahat sila ay nagpapahayag ng sobrang pagka-miss sa aktor.

“Hoy Tisoy pamiss ka masyado. Wag ka maalala miss na miss ka na namin. Nakalimutan mo na ata daan papuntang EB. Buti naman hahaha. Joke lang. Wer na u. Dito na us,” tweet pa ng isang fan.

Mula naman sa isa pa, “Ang ganda ng hashtag ngayon. @aldenrichards02 ang daming naghahanap sayo dahil sobrang miss ka nang lumabas sa tv. #ALDENWerNaU.”

Tweet ng isa pang fan, “We may not know your wherabouts, but know that you are always in our hearts, @aldenrichards02. Allow me to be cheesy today.”

Ni-retweet nang ni-retweet ng mga fan ang hashtag hanggang sa mag-No. 5 sa trending list.

Habang nagkakagulo ang fans ni Alden sa paghahanap sa kanya sa Twitter, biglang nag-post ang aktor sa kanyang IG Story ng shot video na nakasakay siya sa loob ng car at sa malas ay nasa ‘Pinas na nga siya.

Sa caption, Alden wrote, “balik regular programming na tayo. Kamusta kayo?”

Of course, kaagad itong nakita ng kanyang mga fan at hindi sila magkamayaw sa tuwa. Needless to say, nagbunyi na ang lahat at ni-repost ang kanyang video.

“YAAAAAASSSS THE SEARCH IS OVEERRRR. MISSSS YOU,” tweet ng isang fan matapos makita ang video.

ALDENWerNaU And we got our answer! Salamat sa paramdam, @aldenrichards02!”

And another one, “We miss you so much @aldenrichards02!!! And oh my gosh, you actually answered our question #ALDENWerNaU and because of this, we love you even more, more than words can say, and more than 3000.”

At dahil nga sa caption ni Alden na balik-regular programming na siya, inaasahan din ng kanyang mga fan ang kanyang pagbabalik sa “Eat Bulaga.” (Ayon sa management: Alden has been resting lang muna kasi naging hectic din ang sked niya recently. Babalik na rin siya sa “Eat Bulaga” soon – ED)

‘Sahaya’ tumatak kay Bianca

Masayang-masaya si Bianca Umali na halos lahat na raw yata ng mga tao ay Sahaya na ang tawag sa kanya ngayon.

“Masaya, sobra. Because practically everyone calls me Sahaya nowadays.
“It’s like a recognition for me and it shows na maraming nanood sa pinaghihirapan namin. I’m also very thankful for that recognition dahil mas nakakaganang ipagpatuloy ‘yung ginagawa namin,” pahayag ni Bianca sa panayam sa kanya ng GMAnetwork.com.

Ayon sa aktres ay marami pang mapapanood sa serye kaya dapat daw itong abangan ng manonood.

“Marami pa! I think kung paano pa siya mag-i-improve bilang tao and ‘yung aabangan na next chapters ng buhay niya at kung saan siya dadalhin ng tadhana. Kaya sana mas panoorin pa ng mga manonood.”