After the show ay nakatsika namin si Alden sa dressing room.
Sobrang saya niya sa outcome ng show dahil hindi niya raw in-expect na ang dami palang supporters ng GMA Pinoy-TV sa London.
Ang GMA Pinoy TV kasama ng GMA Life TV at GMA News TV International ang exclusive media partners ng At Last in London na produced ng Prismworks Productions.
First time ni Tisoy sa UK at in-enjoy niya nang husto ang kanyang trip. Babalik siya rito ng end of the month for a personal trip na kasama si Maine.
Ayaw niyang sabihin kung sinu-sino ang mga kasama nila ni Menggay. Secret na lang daw.
Dayalog sa amin ni Alden, ang highlight ng kanyang trip ay ang pagpunta niya sa Harry Potter Studio.
Potterhead (tawag sa avid Harry Potter fan) daw kasi talaga siya kaya ganu’n na lang ang saya niya nang makabisita siya sa set ng Harry Potter movies sa Warner Bros. Studios sa Leavesden.
Masayang kuwento sa amin ng Pambansang Bae, hindi siya makausap ng mga kasama niya habang nandu’n sila.
As in may sarili siyang mundo. Hawak niya ang kanyang HP Studio Tour passport at siya mismo ang naghanap ng Golden Snitch.
“Enjoy siya, Tito! Sobrang enjoy!” parang batang paslit na bulalas ni Tisoy.
Gusto niya sanang manood ng play na Harry Potter and the Cursed Child sa West End, kaya lang ay wala silang nakuhang tiket dahil soldout ito hanggang 2017.
In fairness ay hindi na raw siya naghanap ng mga Pokemon sa London dahil graduate na siya sa paglalaro ng Pokemon Go na dati niya ring kinahiligan.
Free day ni Alden kahapon at balak niya pang mag-ikut-ikot within the city.
Hindi na siya tutuloy ng Stonehenge na gusto niya rin sanang puntahan dahil outside London ito at wala na siyang time.
Ngayong Martes ay magsa-shopping siya ng mga pasalubong dahil gabi pa ang flight niya pauwi ng Manila.
***
LONDON, UK — Nagpiyesta ang mga Pinoy sa London lalo na ang Aldenatics sa pagdating ng Pambansang Bae na si Alden Richards.
Dinayo ng AlDub Nation hindi lang mula sa UK kundi mula pa sa iba’t ibang panig ng Europa ang show ni Alden na At Last in London sa Troxy (490 Commercial Road, E1 0HX London) nu’ng Linggo nang hapon.
May AlDub fans na lumapit sa amin at sinabing nanggaling pa sila ng Ireland, Scotland at Belgium.
Ang iba sa kanila ay mga nagpunta rin sa Como sa Italy nang mag-shoot doon sina Alden at Maine Mendoza ng Imagine You & Me.
May T-shirts na binebenta sa may lobby ng Troxy. Bilang Sunday ‘yon ay parang may malaking reunion ang mga Pinoy sa nasabing venue.
Binati ng hosts ang fans na galing pa ng Spain, Germany, Denmark, Hungary at kung saan-saan pa.
Puno ang VIP section na pinakamahal ang tiket (80 GBP) na may kasamang meet & greet, T-shirt at cocktails.
Sa Gold section ay 45 GBP ang halaga ng tiket, habang sa General Admission sa balcony ay 30 GBP ang tiket.
3:00-5:00 PM ang nakalagay na oras ng show, pero bandang 4:30 PM na lumabas si Alden.
Naunang mag-perform kay Tisoy ang Hungarian boy group na Spoon 21 (na finalist sa X-Factor Hungary 2014), sumunod ang petite pianist from Cebu na si Kate Torralba (dating fashion designer na based na sa London) at ang female group na Zyrah Rose (finalist sa Britain’s Got Talent 2016).
Tilian ang audience nang sumampa na sa stage ang Pambansang Bae at kantahin ang hit song niyang Wish I May.
Natuwa si Alden dahil energetic ang crowd. Nakakagana raw mag-perform.
Nag-thank you siya sa lahat ng sumusuporta sa kanilang dalawa ni Maine.
Hiyawan ang AlDub Nation London sa next song niyang God Gave Me You na national anthem ng AlDub.
Mas nag-wild ang fans nang bumaba sa audience si Alden.
Nang awitin ni Tisoy ang latest single niyang Rescue Me mula sa bago niyang album ay may kinantahan siya sa stage na isang female fan.
Nag-boyband medley rin si Baeby Boy, na first time niya raw pinerform sa isang show.
Nabuhay ang crowd at napasayaw nang humataw si Tisoy ng Trumpets Challenge.
Tilian sila sa tuwing gumigiling ang Kapuso heartthrob.
May pa-short game pa si Alden sa ilang girls na pagalingan humirit ng pick up lines.
Bago natapos ang programa ay nag-selfie si Baeby Boy with the London audience.