PARANG parte na ng Mendoza family si Alden Richards, lalo na ngayong opisyal na ang relasyon nila ni Maine Mendoza.

Nakita namin ‘yung video na dumating si Alden sa 1st birthday party ng pamangkin ni Maine na si Matti, na may dalang giant stuffed teddy bear.

Masayang winelkam si Tisoy ng pamilya ni Meng at tuwang-tuwa si Matti­ sa gift ni Alden na mas malaki pa sa birthday boy.

Ayon sa tsika ng mga nandu’n sa party, hinihintay talaga ni Baby Girl ang pagdating ni Baby Boy sa party ni Matti.

Kilalang malapit at magiliw sa mga bata si Tisoy at gustung-gusto nitong kinakarga at nilalaro ang cute nephew­ ni Menggay.

Ang Ate Coleen ni Maine ang sumalubong kay Alden, na dinala nito kay Meng na nasa may harapan kasama ang parents ni Matti na sina Ate Nikki at Kuya John.

Nandu’n din ang mommy ni Maine, so masaya silang nagpapiktyur lahat nang sama-sama.

Nu’ng paalis na si Tisoy ay hindi siya agad makalabas dahil halos lahat ay gusto ng photo op with him.

Nang tawagin siya ng host sa stage ay bumalik siya ulit kahit paalis na dapat siya.

Ang ginawa ni Meng ay ito na mismo ang sumama kay Alden pa­labas. Magka-holding hands na tumakbo ang mag-sweetheart para mabilis makalabas.

May ibang lakad pa yata kasing kailangang puntahan si Tisoy nu’ng gabing ‘yon, kaya naiintindihan ni Menggay kung hindi man ito nagtagal sa party.

Iba yata ang version ng AlDub bashers, kaya gustong linawin ng mismong mga nakasaksi that the whole family was very nice to Alden at na-appreciate nila ang ang effort nitong dumalo sa party.

It was a short but pleasant visit ni Tito Alden kay Matti boy, pati na rin sa family ni Maine. Lahat ay warm and friendly, so walang puwang ang nega.

In fairness ay mukhang at home na talaga si Alden sa pamilya ni Maine at parang close na sila.

Actually, private event ‘yon ng mga Mendoza, nagkataon lang na may ibang bisita na nandu’n na nag-take ng video ng happy occasion na ‘yon.

Nakita namin sa Snapchat ni Meng ‘yung higanteng teddy bear na regalo ni Alden, na inilalapit niya pa rito si Matti para i-kiss ang bear.

Tila pang-real life na ang tamis-tamisan moments ng AlDub/MaiDen ngayong waley na ang Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ramdam na ramdam ng fans ng dalawa ang pagkawala ng KS, kaya wish nila na ibalik ito dahil nabawasan daw ng kilig factor ang Eat Bulaga.

One Response