Alden at Rocco, sasariwain ang MARTIAL LAW

Alden Richards

KAABANG-ABANG ang pagsasama nina Alden Richards at Rocco Nacino sa Martial Law special ng GMA Public Affairs na Alaala.

Bibigyang-buhay ni Alden ang buhay ng dating aktibista at Palanca awardee na si Bonifacio ‘Boni’ Ilagan habang si Rocco ang gaganap sa kapwa manunulat na si Pete Lacaba.

Parehong naging biktima sina Boni at Pete ng kalupitan sa Batas Militar noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Kasama pa nina Alden at Rocco sa Alaala: The Martial Law Special sina Gina Alajar at Bianca Umali.

Sa September 17 na ito eere sa SNBO.