UNA kong nakapanayam si Alden Richards nang inilunsad ang black book ng GMA Artist Center talents sa isang posh hotel. First impression ko sa binata — mabait, masarap at magiliw makipag-usap.
He has the kindest set of eyes at andoon na agad ang pamatay niyang biloy at yes, hindi pwedeng ikaila na magandang lalaki ang binata.
Unforgettable encounter ko sa kanya, sa isang washroom during the promo time para sa pelikulang Tween Academy.
Ang diva that you love, laging retouch muna ang order of the day bago pumunta sa designated press payanig.
Akala ko, ako lang ang tao sa washroom.
Biglang bumukas ang isang cubicle na ikinabigla ko.
Lo and behold, si Alden pala ang tao. Bukas pa ang fly of pants at sipat ko pa ang garter of his boxer shorts.
Hindi siya conscious na bukas ang kanyang fly at kaswal niyang isinara ito at inayos ang sarili.
He was embarassed, kita sa ngiti at sa kanyang namulang pisngi. Hindi siya emotionally prepared na may iba ring tao sa washroom na inakala niyang “babae”.
Kasi, naka-baby doll dress ako that time.
***
Sa paglipas ng panahon, sa mga press payanig para sa mga programang kasali siya, bida o support man, lagi siyang magiliw.
Magaan. Diretso pa ring tumingin sa mata pag nakikipag-usap at ni wala kang ereng mararamdaman na papasikat na siya.
Tanda ko pa, naisama ang manunulat na ito sa birthday celebration niya na ginanap sa isang orphanage.
Kitang-kita kung gaano siya kagiliw sa mga bata. Kuyang-kuya ang dating niya.
He sat down with the kids, ate with them, exchanged kuwentos, nakipaglaro pa at nagbigay ng mga regalo.
Sincere gesture on his part to spend time with the kids and bring them joy.
Then the phenomenon that is AlDub happened.
***
True to his nature, napanatili niyang humble ang kanyang sarili. Parang walang nagbago.
At kahit pa left and right ang birada sa kanya, he remains rooted to his truths. Kaya ang success, tuluy-tuloy.
Sa ilang pagkakataong dumalaw ako sa Sunday PINASaya, lalo na tuwing nagkikita kami sa dressing room ni Ms. Ai Ai de las Alas, agad-agad, siya ang lalapit.
Magbibigay-pugay. Tuwang-tuwa siya sa pagdalaw namin. Parang malaking bagay sa kanya na andoon kami sa studio, sa dressing room, pinanood at dinalaw ang Pinasaya.
As always, laging mahigpit at wagas ang kanyang yakap.
Ang pagyakap niyang mahigpit, muling naranasan at naipadama niya sa inyong lingkod during his thanksgiving para sa press.
When we embraced, damang-dama ang init at higpit nito.
***
After a seven-time platinum album, a mammoth box-office hit movie and his regular hosting sa Eat Bulaga, the present and the future are indeed bright for Alden.
Aniya, “Hindi ko pinoproblema ‘yung mangyayari. Lahat, ipinapasa-Diyos ko na lang.
“What’s happening now, hindi naman ito planned. Basta I just keep on thanking the Lord for what he has in store for me.”
AMEN