Alden utusan sa grocery

For the first time, simula nang nagkaroon ng enhanced community quarantine ay nagpakita si Alden Richards nang live sa kanyang mga fan via Instagram live session na isinagawa niya kahapon.

Ibinahagi ng Asia’s Multimedia Star ang kanyang pinagkakaabalahan during this ECQ. Ayon sa aktor, sa 10 taon niya sa showbiz, ngayon lang daw niya nagagawa ang mga bagay na dati’y hindi niya nagagawa dahil sa pagka-busy.

Siya raw ang taga-grocery at errand boy ngayon sa bahay nila bilang siya ang lalaki.

“Medyo low-tech ako pagdating sa grocery, sa gaming lang talaga ako medyo intense, pero I do the grocery sa bahay, ako ‘yung lumalabas, ako ‘yung runner,” aniya.

Pero syempre, nag-iingat naman daw siya at pinaiiral pa rin ang kalinisan para hindi maka-acquire ng virus mula sa labas.

“After doing the groceries, sasalubungin na ako ni ate Virgie, tapos, sa garage ako nagpapalit ng damit. So, everything ng sinuot ko sa labas, huhubarin ko ‘yun, ta’s do’n ako magpapalit. And then, diretso ako sa likod, tapos, huhugasan ko lahat ng mga exposed parts ng skin ko, especially, the arms. Dapat, hinuhugasan talaga ‘yan kasi ‘yan ang exposed, ta’s face.

“Sa likod ang daan, diretso kuwarto, ta’s ligo. Kasi I can’t risk the welfare and ‘yung health situation ng lolo’t lola ko na kasama ko rito sa bahay. So, hindi ko kaya silang magkasakit especially now na medyo Malala ang pandemic,” sey ni Alden.

Sa nasabing IG Live ay ipinakita rin ng aktor ang ilang parte ng bahay nila kabilang na ang kanyang balcony na favorite space raw niya.

Nangako ang aktor na uulitin niya ang IG Live para makipagtsikahan ulit sa kanyang mga fans at mag-update ng latest happenings sa kanya.

Richards naudlot ang dekada concert

Sad to say, kinumpirma na ni Alden na hindi na matutuloy ang pinaplano na sanang anniversary concert niya ngayong July, obviously, because of the COVID-19 pandemic.

Matatandaang inanunsyo na ni Alden sa Kapuso Countdown 2020 noong Dec. 31, 2019 na magkakaroon siya ng anniversary concert sa July 25, 2020 sa Araneta Coliseum in celebration of his 10th year in showbusiness.

Sa kanyang Instagram Live session last Wednesday ay isa sa naitanong kay Alden kung paano na ng 10th year celebration niya at ayon sa Asia’s Multimedia Star, hindi na raw ito talaga mangyayari ngayong July.

“Sa ngayon po, most likely talaga, it will not happen in July, kasi even, ma-lift ang ECQ (enhanced community quarantine), mass gatherings are still banned,” ani Alden.

Kung anuman daw ang mapag-usapan ay maga-update naman siya pero if ever ay baka raw next year na lang ang celebration.

Ang isa sa best episodes ng Ipaglaban Mo noong 2019 na “Paninira” ay muling mapapanood ngayong Sabado, May 2. Tampok dito sina Yen Santos, Chai Fonacier, Bryan Santos at Nico Antonio mula sa direksyon ni Cathy O. Camarillo.

Sa kuwento ay ginampanan nina Yen at Chai ang papel na dating matalik na magkaibigan pero naging mortal na magkaaway dahil nagmahal sila pareho sa iisang lalaki portrayed by Bryan.

Sa ganda ng kuwento at sa mahusay na pagganap ng mga cast especially Chai and Yen ay nagtala ito ng mataas na ratings na 20.9%.

Sa mga hindi nakapanood ng episode, ito na ang pagkakataon n’yo para malaman kung bakit ito nag-rate at pinuri ng mga netizen.