Masayang ibinalita ni Maine Mendoza sa kanyang Twitter account na magkakaroon ng quarantine episodes ang sitcom nila ni Vic Sotto. Hindi raw ito replay.

Todo saya naman ang kaniyang mga tagahanga.

Reaksyon sa kanyang Twitter account.

@noringai, “Excited na ako mapanood kung paano mo asarin si sir Lunch through video call Face with tears of joy.”

@stargirl_v ,” galeng kaya lang medyo bitin ung interactions kc Zoom sya anyway Congrats @DirekChrisM bossing #MaineMendoza happiness again.”

May request naman ang mga AlDub fan. Wish nila ay mag-guest si Alden Richards.

@TeenaRivera7, “Isama c Aldrich pls, at manonood mga seniors.”

@LynneLy83035313, “Bkit parang npakahirap para s inyo @DirekChrisM n maiguest si Aldrich pero yung ibang actor n khit d nman gnun ang impact kumpara kay Aldrich, paulit-ulit, ano nga kaya ang npakalalim n dahilan? Akala ko b wlang relasyon, eh bakit di mkayang pagsamahin bagkus pilit pinaglalayo.”

@gaia_adn , “@DirekChrisM

you can guest @aldenrichards02 again in this special episodes. Always praying for u

@mainedcm & RJ that GOD always protect, keep u both safe & the rest of the family from all evil& harm.”

Probinsyano may bayad

Matunog ang balitang nagti-taping na ang “FPJ’s Ang Probinsyano’ ni Coco Martin kahit sarado pa ang ABS-CBN 2.

Ayon sa balita, may mga eksenang kukunan sa Quezon City at Batangas.

May chika rin na lahat ng cast ay ititira sa hotel para susunduin na lang ng service.

Wala na ring kasamang alalay umano ang mga artista.

Ang tanong saan daw ipapalabas ang Probinsyano?

May nagsasabi na mapapanood daw ito ng Jeepney TV kaya kailangang bumili ng ABS-CBN TV Plus.

May isa ring bersyon na ipapalabas daw ito sa KBO.Kung true ito medyo mabigat sa mga fan ng Probinsyano dahil kailangan muna silang mag-load o gumastos para makapunta sa KBO channel.

Abangers na lang natin kung saan talaga mapapanood ang nasabing serye.