Top trending topic na naman si Alden Richards kahapon sa Twitter PH dahil sa pasabog na post ng Century Tuna.

Pahulaan pa kung sino ang new tandem this 2020 ng Century Tuna Superbods, pero sobrang obvious naman kasi sa silhouette pics na sina Alden ‘yon at Nadine Lustre.

Sobrang na-excite ang netizens dahil grabehan daw ang tandem na ito ng AlDine.

Kaya raw pala panay ang paganda ng katawan ni Alden at may mga pa-yummy post ito dahil may pinaghahandaan itong sexy endorsement na pang-fit and healthy body.

May mga napapamura sa Twitter dahil nag-init daw sila sa tambalang Alden at Nadine! Ha! Ha! Ha!

Hindi na makahintay ang Aldenatics sa big reveal at may nakita pa kaming gumawa agad ng meme na Aladdin si Alden at Princess Jasmine si Nadz, tapos ay nakasakay ang dalawa sa flying carpet. ‘Kaaliw!

Tuwang-tuwa ang Alden fanatics dahil laging nasa news ang magagandang nangyayari ngayon sa Kapuso actor.

Usap-usapan ‘yung spotted sila ni Bea Alonzo sa Thailand airport kung saan balitang nag-shoot sila for an endorsement.

Tapos ngayon, after itambal kay Kathryn Bernardo sa pelikula, si Nadine naman ang ka-partner ni Alden bilang bagong ambassadors ng Century Tuna Superbods.

Kasabay nito ay pinag-uusapan din sa Twitter ang kissing scene ni Alden with Sophie Albert sa kanyang primetime Kapuso serye.

In fairness ay tila walang kontra sa Alden-Sophie tandem at meron pang mga tagasuporta ang Team SepGa nina Sep at Helga na magtatapos na sa Biyernes.

Ang ganda nu’ng mas may independence na talaga si Alden pagdating sa mga ginagawa niya at maging sa mga ipinapareha sa kanya.

Pati ang fans niya ay nag-mature na rin, hindi tulad nu’ng panahon na nakakahon lang siya sa love team nila ni Maine Mendoza.

PAK!!

Enrique may bagong kinahuhumalingan

Si Enrique Gil ang pinakabagong dagdag sa dumaraming celebrity vloggers na may sarili nang YouTube channel.

Kung sa vlogs ni Kathryn Bernardo ay ka-join ang boyfie nito na si Daniel Padilla, kay Enrique ay kasali naman ang girlfie niyang si Liza Soberano.

Ang Hawaii vacation ng LizQuen ang unang entry ni Enrique sa The Gil Side. Ang iksi nito at parang teaser lang kaya bitin na bitin ang fans ng dalawa.

Obviously ay may karugtong pa ito at kagabi nga ay nag-premiere ang part 2 ng Hawaii vacay ng magsyota. Mukhang mas mahaba ito at may eksenang swit-switan ang LizQuen na nagsu-swimming sa beach.

Tama ‘yung hula namin na after Kath ay malamang si Liza o si Quen naman ang maglu-launch ng YouTube channel. ‘Yan ngayon ang bago niyang kinahuhumalingan.

In fairness ay KathNiel at LizQuen na lang pala ang matatag sa mga sikat na love teams, ha?

Nauna nang nawaley ang AlDub. Waley na ring JaDine dahil hiwalay na sina James Reid at Nadine Lustre. Waley na ring JoshLia dahil break na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

It’s KathNiel and LizQuen na lang na tila pam-forever. Ang dalawang pares na nga kaya ang magkakatuluyan o meron sa kanilang maghihiwalay rin?!

Alex Medina magkaka-baby na

Masaya si Jerald Napoles sa bespren niyang si Alex Medina na magkaka-baby na dahil buntis ang non-showbiz girlfriend nito.

Nananahimik ngayon si Alex sa Bali, Indonesia kung saan ito based dahil nandu’n ang buntis nitong nobya na si Monique Tolentino.

Writer at content creator si Monique na ex pala ni Alex, sabi sa amin ni Jerald. Nang magbakasyon sila sa Bali at nagkita ang dalawa ay nagkabalikan and love is lovelier the second time around.

Mala-JC Santos din na nakabalikan ang high school ex at ngayon ay kasal na at buntis na rin.

Si Jerald daw ay wala pang balak buntisin ang GF niyang si Kim Molina dahil ngayon pa lang bumobongga ang career nila.

Sa 34 movies sa 2020 Vision ng Viva Films ay tatlo du’n ang kasali si Jerald.

Launching nila ni Kim ang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam”, ka-join siya sa “Pakboys” nina Janno Gibbs, Andrew E. at Dennis Padilla, tapos ay sidekick siya ni Janno sa “Mang Jose” na superhero movie.

Ganu’n ka-busy si Jerald, na sa gabi naman ay nakikipagbakbakan kay Coco Martin sa “Ang Probinsyano”. Taruzsh!!