Aldridge, Spurs humarabas ng tres

Nagliyab ng season-high 18 3-pointers ang San Antonio Spurs para hagupitin ang Detroit Pistons 136-109 Sabado ng gabi.

“That’s what the league is all about,” ani coach Gregg Popovich, aminadong hindi fan ng 3-point shots pero kailangan sa laro. “Opening­ up the paint so you get penetration and you kick and everybody shoots 3s. Boring, but that’s the game.”

Nagsumite si DeMar DeRozan ng 29 points, may 25 points at 12 rebounds si LaMarcus Aldridge.

Naka-35 bitaw sa labas ng arc ang Spurs kabilang ang career-high five 3s ni Aldridge.

Naglista ng 21 points at 18 rebounds si Andre Drummond sa 11-man Detroit.

Season-high din ang 42 points ng San Antonio sa third quarter, sinindihan ng 25-9 run sa bukana ng second half. Dumistansiya ang Spurs sa 93-71 mula sa apat na sunod na 3s nina Bryn Forbes at Derrick White at dalawa pa mula kay Rudy Gay. (Vladi Eduarte)