AYON sa Kantar Media/TNS, mas matas ang rating ng It’s Showtime (19.7%) kesa sa Eat Bulaga (15.9%) noong Sabado.
Opo! Kinabog ng Kapamilya noontime show ang unang anibersaryo ng AlDub last July 16.
Pinakabongga pa rin sa ratings last week ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.
***
Sabi ni Enchong Dee sa social media, “Presenting the death of the Philippine movie industry — piracy. A good friend of mine from Canada sent this to me just now.”
Turned out na ‘yung kaibigan niya ay si John Manalo na nag-report kay Enchong ng pagkalat ng piniratang version ng pelikula nila ni Kiray na I Love You To Death.
At least, magkakaroon sila ng dagdag na magandang rason sa hindi nito pagputok sa takilya.
***
Ang ABS-CBN Broadcasting Corp., ang mother company ng Star Cinema Film Productions, ay naghahanda na para ihabla ang hundreds of netizens who illegally uploaded The Achy Breaky Hearts.
Mula sa isang insider, ABS-CBN has already gotten the list of netizens who will be indicted most likely for violating the anti-cybercrime law and/or the Philippine copyright law.
Noong 2014, naghabla na rin ang ABS-CBN sa 18 sites sa pamimirata ng ABS-CBN TV Shows.
Ngayon, mukhang tutuluyan na rin nila ang namimirata ng kanilang mga pelikula.
***
Hindi na pala kasama si Dominic Ochoa sa pelikulang Working Beks.
Nasa race track si Dom noong storycon at si TJ Trinidad ang mukhang humalili sa kanya bilang bagong bading.
Ang layo nga naman na mula sa pagiging Super Daddy ay magiging Super G or Super Gay agad si Dom!
Di kaya ma-confuse ang anak niyang si Sandro?
***
Para kay Bettina Carlos, totoo ang kasabihang “like mother, like daughter.”
Kung ano ang kaya niyang gawin ay kaya rin ng kanyang mini me na si Gummy.
Name it: Pag-arte, pagsayaw or even baking, kayang-kaya ‘yan ng kanyang batang anak.
Proud si Bettina sa kanyang bagets dahil kaya na nitong mag-bake nang mag-isa.
“My very thoughtful daughter. Said she misses our chocolate chip cookies so she will make daw for me co’s I’m not feeling well.
“She needs very minimal assistance. She can read. She can measure. She can stir.
“Browning the butter lang with yaya. Thanks anak I love you ,“ pahayag ng Sa Piling ni Nanay star sa Instagram.
***
Panay ang post ni Maxene Magalona ng pictures nila ng kasintahang si Robbie Mananquil sa social media.
Maayos silang couple hanggang sa may nag-comment na may kamukha na artista ang bagong boyfriend ni Maxene — walang iba kundi si Nash Aguas.
Si Robbie raw ang pinalaking version ni Nash.
Ewan kung natuwa si Max sa comment na iyun.
***
Mayagumpay ang launch ng libro ni Regine Velasquez-Alcasid na Bongga Sa Kusina last Sunday sa Eastwood Mall.
Ang libro ay regalo ni Regine sa kanyang fans na walang sawa ang suporta sa kanya sa mahigit na 30 years sa showbiz.
Tsika ni Songbird, nag-umpisa siyang magluto dahil gusto niyang ma-impress sa kanya ang asawang si Ogie Alcasid.
“Syempre, being a new cook, mom, wife, you always try to find new dishes to cook for your family,” sey ni Regine.
“Sarap Diva has really taught me a lot. Nu’ng lumalaki na si Nate I got busy with him, sabi ko tulungan na lang ako ni Chef Jonah, our resident chef.
“He is a big help for me. And so ‘yung mga recipe na niluto ko dito, tinuro niya sa akin pero once in a while I do my own twist.
Kasama sa libro ang ilang recipes na niluto nila sa Sarap Diva pati na ang well-loved recipes ng ilang celebrities.
Kakasawa na ang AlDub! Wala kasing mga talent kundi magpa-cute!
kakasawa ba? e di nanonod ka din pala kasi bat ka magsasawa kung di mo pinanonood,
sabihin mo yan sa mga taong sumusuporta sa kanila.