NI: JOE BARRAMEDA

Nag-Instagram Live ulit si Alden Richards noong Linggo ng hapon kasama ang kaibigan na pari na nakasama niya sa Holy Land noon. As usual chikahan muli sa mga sabik niyang followers at maayos naman na sinagot ni Alden ang mga tanong.

Balitang ibabalik ng Eat Bulaga ang KalyeSerye na nagpasikat nang bonggang-bongga kina Alden at Maine Mendoza noon.

Bago ba ito? Ano kaya ang magiging story nito? Sana nga ay bagong timpla o magkaroon ng twist. Sure kami na marami ang mag-aabang diyan.

Siyanga pala, bukod sa pagtulong sa pag-aasikaso ng negosyo niya sa Binan, tumulong din si Alden sa mga civic duties ng Sta. Rosa Mayor Arlene Arcillas.

Komo libreng-libre sa kanyang schedule ay nagagawa niya ang mga bagay na ito ngayon.

Looking forward na rin si Alden makabalik na rin sa buhay showbiz.