May isang baklang may lakas ng loob na itinanong sa aking personal message box at tinatanong kung ano ang opinyon ko sa AlDub at kung sikat pa sila?
Naku, baklang with a fictional name at photo na alam kong hindi naman ikaw, kung talagang sikat pa ang AlDub kagaya dito, magtatanong ka pa sa akin? Kahit ikaw, oo, ikaw nga, aminin mo, nararamdaman mo na ang katotohanan, ang pagtangkilik at pagsamba kina Alden Richards at Maine Mendoza, ay di na sing-init at sing-lakas.
At hindi mo na kailangang i-memorize kung sino ang dahilan kaya nabuwag agad-agad ang ilusyon. Alam na alam na iyan.,
May isang teen mom naman ang wala ring takot na magtanong via PM, totoo raw bang may kanya-kanyang projects na raw ba sina Alden Richards at Maine Mendoza?
Napanood niya kasi si Menggay na bida sa isang fairy tale serye. At ang tila susunod rito, ay kabanata kung saan si Richards naman ang magiging bida.
Ning, alam mo na pala ang sagot, bakit nagtatanong ka pa? Pinagdadabog mo ang bangs ko. Hahahaha! Weno naman kung may kanya-kanya silang projects, hindi ka naman ginetlak ni Lord dahil dito di ba.
Humihinga ka pa rin at nakapagtanong ka pa nga. Ang bonggang malaman, kung kaninong appearance sa nasabing fairy tale show ang palong-palo sa ratings at kung sino ang maraming advertising load.
Bongga rin yang they are testing the waters as individual artists para magkaalaman na talaga kung may kanya-kanya silang followers at supporters. Hindi nagka-count dito yung pulos nasa gadgets lang nila sumusubaybay at nang-aaway, huh.
Ang kasali lang, yung mga may mga telebisyon na pinapanood ang dalawa dahil dun galing ang mga ratings, maski itanong niya pa sa AGB Nielsen. Kaya kahit anong kuda at hanash niyo sa social media accounts niyo, hindi yan mag-e-equate na maging ratings.
Eh kamusta naman na ang afford lang eh magpiso net? Mas lalong hindi sila kasali, noh!
Panahon na talaga para buwagin ang AlDub dahil tapos na ang pabebe wave at tweetums season nila. Kailangan nila ang mga projects na magpapakita sa kanilang artistry at desire na ma-improve ang mga craft nila, pati na rin ang kanilang maturity and growth as actors and performers.
Bilang ChardMaine or MaiDen, dapat level up na. At bilang Alden at Maine, mas lalong dapat na level up na level up na, di ba. If they will be both happy sa kanilang singular at collective victories, mas lalo silang yayakapin at mamahalin.
***
Kisses mukhang monay
Hayaan na natin ang babaeng ang mukha ay korteng monay, si Kisses Delavin na maging ka-love team si Donny Pangilinan. Huwag na po nating isama pa si Tony Labrusca sa equation.
Hindi kailangan ni Labrusca ang babaeng hanggang ngayon takang-taka at tulirong-tuliro ang diva that you love kung bakit naging artista. May tama nga na maging magkaribal sila ni Maymay Entrata dahil ang mga fans lang nila ang naniniwalang puwede silang artista.
Kung sakaling mabenta ang mga magasin kung saan sila ang bida sa pabalat, at kung gumagalaw man sa merkado ang mga produktong kanilang ini-endorso, iyan ay kung meron man, at kung sakaling kasama sila sa mga shows at nakakatulong sila kaya maganda ang mga ratings nito, wa ako care. In my book, hindi sila mukhang artistahin.
Going back to Labrusca na bida na nga ito sa Double Twisting, Double Back, sa mga sumusubaybay sa FB page nito, marami ang hangang-hanga at seksing-seksi sa binata.
Sa mga video clips kasi, mapapanood na malakas ang loob nitong magpasirko-sirko sa ere, gumulong-gulong habang ginagawa ang mahirap na abdominal routine, may isa pang sobrang hotness, yung nag-hu-hula hoop siya, hubad baro at panalong-panalo ang pag giling niya.
Pinoy na Pinoy pa ang kabruskuhan ni Labrusca kaya marami lalo ang humahanga sa kisig at tindig nito. Pulos nga naman tisoy ang karamihan sa mga bida nating lalaki kaya refreshing to have a young man like him na brown and handsome.
Kesa i-push ang love team nila ni Kisses na alam naman nating walang maitutulong sa kayumangging chinito, mas i-push na lang natin ang tambalan nila ni Liza Soberano sa Darna.
Sa true lang, si Liza ang ka-level ni Labrusca at hindi si Delavin, noh!