AlDub ‘di na bentahe ng Bulaga

NI: ALWIN IGNACIO

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, si Maine Mendoza, nag-number one trending topic sa Twitter.

Siyempre pa, ang diva that you love inisa-isa ang mga post sa nasabing social media site para mapagtanto kung bakit wala na namang magawa sa bahay ang mga faney ng Philippine Sweetheart .Bakit nagsisipag na naman silang palutangin at paingayin ang pangalan nito.

May mga ilang ang ini-emote, eh sundan na ang yapak ni Sarah Geronimo-Guidicelli.Sundin daw nito ang tinitibok ng kanyang puso at pakasalan ang lalaking tunay nitong isinisigaw.

Pinapangarap ng supporters ni Mendoza na masilayan ang kariktan nito na , HP na HP rin sa piling ni Arjo Atayde.

Pinangangalandakan nila na may 5 million followers si Menggay at hindi pa nga tapos ang Abril, may more than 900K na bago itong followers kaya sila nag-iingay kasi three-years in a row na top celebrity ito sa Twitter.

Talaga nga bang reliable indicator at qualifier ng kasikatan ang nasabing platform?

Hindi na ganun kadami ang endorsements ni Mendoza sa kasalukuyan. Yung comedy show na isa siya sa mga pangunahing bida, parang sila-sila na lang ang nanonood nito. At hindi na rin siya at si Alden Richards ang major come on sa “Eat Bulaga,” people are talking about the show nowadays dahil sa “Bawal Ang Judgmental” segment nito. Wala rin akong alam na may kasunod siyang pelikula after the underperforming sa takilyang pinagsamahan nila ni Carlo Aquino. Yung single niyang patok na patok daw sa digital platforms, may massive airplay ba sa top FM stations? Pumapalo man lang ba bilang one of the most requested songs sa kung ano mang countdown?

Kaya, kung sikat pa pala si Maine Mendoza, eh di bonggang-bongga for her. Pero kung hindi na pala siya sikat at nasa plateau phase ang kanyang karera, aaminin kaya ng mga panatiko niya?