
FLOP ang salitang ginamit ni Suzette Doctolero sa AlDub teleserye na Destined To Be Yours kaya UMALMA ang nasaktang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Ang tweet ng creative consultant ng Kapuso network, FLOP at WALEY dati sa ratings ang DTBY, ngayon ay nagri-rate na ito.
Totoo man ‘yon o hindi ay MASAGWA na manggaling ang mga ganu’ng salita sa isa sa mga tauhan ng GMA because it leaves a bad taste in the mouth.
Walang kaso kung taga-ibang istasyon si Suzette, pero para LAITIN mo ‘yung programa na ka-network mo ay hindi katanggap-tanggap kahit saang anggulo mo tingnan.
Ayun tuloy, kinailangang maglabas ng statement ang SVP for Entertainment TV ng GMA na si Tita Lilybeth Rasonable para sabihing ang tweets ni Suzette “are her personal opinions and not those of the Network. We will deal with her separately and privately.”
Ang ibig sabihin kaya ng ‘we will DEAL with her’ ay papatawan ng disciplinary action si Ms. Doctolero sa ginawa nito, na umani ng katakut-takot na bashing sa social media?
Ayon pa kay Tita LGR, “Destined To Be Yours’ average rating from pilot episode to present is higher than competition.
“Alden and Maine’s chemistry has become more and more evident as the story progresses and this makes the scenes more kilig than ever.
“As producers, how can we not be happy with a winning show?”
Maliwanag na kinontra nito ang claim ni Suzette na kesyo FLOP at WALEY ang ratings dati ng primetime series ng AlDub.
Nilinaw rin ng lady boss ng GMA ‘yung isyung tatapusin na ang show dahil sa mababang ratings nito.
Aniya, “DTBY’s story was really written to end in May. It is NOT being shortened. We fixed the schedule kasi that after the soap, they will already start shooting for the movie.”
Tapos ay pinasalamatan niya ang lahat ng viewers ng DTBY para sa suporta at nangakong “we will continue to make DTBY a memorable one for all of you.”
Ang dinig namin ay hanggang May 19 na lang ang DTBY na papalitan ng Mulawin vs. Ravena na magsisimula na sa May 22.
Actually, hindi na nakakagulat pa ang isyung ito kay Suzette dahil PATOLA siya sa fans at sinasagot niya ang mga nang-aaway sa kanya.
Madalas din siyang makipagbangayan sa social media lalo na ‘pag ipinagtatanggol niya si Duterte na puring-puri niya.
Mukhang hindi siya apektado sa isyu at kaswal kung sagutin niya ang iritadang fans na humihiling na patawan siya ng aksyon ng GMA management.
***
Nataranta ang AlDub Nation sa teaser na naghalikan sina Alden at Maine sa DTBY.
Mukhang madiin at matagal ang lips to lips nina Benjie at Sinag kaya atat na ang SinJie fans na mapanood ‘yon this week.
Happy news din para sa supporters nina Tisoy at Menggay ang pagkakatanghal sa dalawa bilang Prince & Princess of Philippine Movies ng 48th Box Office Entertainment Awards.
Si Alden din ang nanalong Male Recording Artist of the Year sa taunang parangal na binibigay ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Ganagapin ang awards night sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila sa May 14.
nakakataranta talaga to! isang bading at isang mukhang bading naghalikan! eewwww! yuck kadiri!
bakit natsupa ka na ba ni alden at nasabi mong bading? bwahahahaa
oo pero walang dating. si yayadub magaling tsumupa kasi kain lahat pati itlog. daig pa ang deep throat. pero wala sila sinabi sayo. kasi kaw di lang itlog ang kaya mo kainin. pati butas ng puwet ko sarap na sarap ka himurin. harharhar!
Talagang matataranta kasi baka nga naman malunok ni Yaya si Alden, ‘di ba JamesBond? Bwahahahahahahahahahahahahahahahaha!!!!!
sikat na sikat talagaa aang aldub alam ng mgaa writers kung sino ang isusulat para mag click ang item nila hihhihi