Bago pa ang mismong Halloween o All Hallows’ Eve kagabi ay ang dami nang mga celebrity na nag-post ng kani-kanilang kabogerang costumes.
Astig ang LizQuen loveteam na may sariling pa-Halloween party for their close friends nu’ng Martes nang gabi.
Wagi ang version ni Liza Soberano ng creepy clown na si Pennywise mula sa horror movie na “It”.
May effort naman si Liza, pero ang comment ng marami ay maganda pa rin siya at hindi siya nakakatakot na Pennywise.
Si Enrique Gil ay kinarir ang hair and makeup bilang Joker ng “Suicide Squad” at may mga bakal pa siya sa ngipin. May pabukas pa ng polo si Quen at may tattoo sa kanyang dibdib at leeg.
Ilan sa mga dumalo sa Haunted Hollywood Party ng LizQuen ay si Darren Espanto na naka-Beetlejuice costume, Maymay Entrata bilang horror doll na si Annabelle at Edward Barber bilang evil doll na si Chucky.
Ang ganda nu’ng pic ni Maymay with Liza, na ang sabi niya sa Instagram ay wala siyang alam sa Halloween party na gano’n at magandang experience ito sa kanila ni Dodong (Edward). Scary ‘yung pic ni Maymay with Quen, infeyr.
Sey pa ni Maymay sa isa niyang IG post, nagdalawang isip pa sila ni Edward kung gagawin nila ‘yon dahil baka magmukha raw silang baliw, pero tinuloy pa rin nila para sa panibagong experience together.
In fairness, ang cute ng MayWard bilang Annabelle & Chucky.
Si Judy Ann Santos at ang anak na si Luna ay parehong naka-Wonder Woman costume, pero si Luna lang ang naka-skirt at ang Mommy Juday nito ay naka-shorts.
Si Sarah Lahbati ay ganda-gandahan bilang si Maleficent sa costume niya sa “Eat Bulaga” kahapon. Gawa ni Rajo Laurel ang beautiful feathery cape ni Sarah.
Si Maine Mendoza ay very Menggay ang nakakaaliw na costume na mukha siyang nakaupo sa inidoro at jumejebs.
“Me giving a crap about Halloween,” ang caption ni Meng sa pic niya na umiiri pa siya habang nakaupo sa ‘trono’ at may hawak na diyaryo.
Si Ryzza Mae Dizon ay inspired by Moana ng Disney, kaya “Moana-ng makain!” ang caption niya sa pic niya na parang gutom na street kid ang peg.
Si Alden Richards ay naka-Jon Snow, na paborito niyang karakter sa hit TV series na “Game of Thrones”.
Mag-inang nag-agawan sa iisang lalaki babu na
Bukas na ang kaabang-abang na finale ng Kapuso morning series na “Kapag Nahati Ang Puso”.
Sinubaybayan ng GMA viewers ang nakakaintrigang drama tungkol sa dalawang babae na nag-aagawan sa iisang lalaki, na hindi nila alam na sila pala ay mag-ina.
Naging memorable kina Bea Binene, Sunshine Cruz, Benjamin Alves, Zoren Legaspi, Bing Loyzaga at David Licauco ang mga karakter nila rito.
Nagpasalamat si Bea sa successful run ng “Kapag Nahati Ang Puso” at marami raw siyang natutunan sa pagganap bilang bidang si Claire.
“I learned na kahit hindi mo kadugo or kahit hindi mo alam na kadugo mo ang isang tao, mamahalin mo pa rin siya.
“I also learned to appreciate someone’s worth and to know all sides of the story. You shouldn’t just believe in what a person is saying, you also need to find out what the other party’s opinion is and you have to keep an open mind,” bulalas ni Bea.
Abangan bukas ang climactic finale ng “Kapag Nahati Ang Puso” na napapanood bago mag-“Eat Bulaga”.