MASAYANG sinalubong ng fans si Alden Richards nang dumating siya sa Heathrow Airport sa London nu’ng Huwebes nang gabi.

Bukas (October 2) ang show ni Alden na At Last in London sa Troxy (490 Commercial Road, London E1 0HX).

First time ng Pambansang Bae sa UK kaya excited siya. Gusto niyang mapuntahan ang lahat ng must-see spots na kaya niya sa maiksing time niya sa London.

Sey ni Alden nang mainterbyu siya sa airport bago siya lumipad, kadalasan ay sinasabay na niya sa work ang maiksing bakasyon niya abroad.

Usually ay nag-e-extend siya nang ilang days para maisabay ang personal rela­xation.

Ang sabi niya ay gusto niyang mapanood ang dating Kapuso star na si Rachelle Ann Go sa Les Miserables sa West End.

Nabanggit niya rin ang Harry Potter Studios at Windsor Castle sa mga bet niyang mapuntahan.

Nang maka-Viber chat namin si Alden, ang sabi niya sa amin ay type niya ring makapunta sa Stonehenge, manood ng Aladdin sa West End bukod sa Les Miz at saka ng play na Harry Potter and the Cursed Child.

Nang sabihin namin sa kanyang soldout ang tickets sa Harry Potter play at walang mabili online, ang sabi niya ay may friend silang taga-London na bibili ng tic­kets.

Mostly ikot at pas­yal lang ang gagawin ni Alden dahil hindi raw siya masyadong mahilig mag-shopping.

After ng show niya bukas, may free days pa siya para magliwaliw bago ang balik niya ng Maynila sa October 4 nang gabi.

Ang dayalog ni Tisoy sa interview sa kanya ni Kuya Lhar Santiago sa NAIA, siyempre ay bibilhan niya ng pasalubong ang ‘baby girl’ niyang si Maine Mendoza.

Nabanggit niya ring babalik siya ng London sa last week of October hanggang November 4.

Doon siya mas excited dahil kasama niya sa trip na ‘yon si Maine at bonding lang nila ito, walang work. As in personal vacation lang.

Bale 4 days lang ‘yon dahil maiksing leave lang ang binigay sa kanya ng GMA. 2 days sila ni Meng sa London, tapos ay 2 days din sila sa Germany.

Tarayy!! Bumabakasyon na ang AlDub/MaiDen nang magkasama abroad!

Bonggang development ‘yon para sa dalawa, huh!

***

Nakakabilib ‘yung mga ginagawa ni Alden na small gestures of kindness na ang lakas ng impact sa ibang tao.

Puring-puri si Tisoy ng isang abogada dahil sa pagbisita niya sa Jose Reyes Memorial Medical Center bago siya umalis pa-London.

‘Dying wish’ kasi ng isang batang fan na makita nang personal sina Alden at Maine.

“I have never met someone as caring, down-to-earth, humble and compassionate as you are, Alden Richards.

“You truly inspire us. Thank you for sharing your time despite your very busy schedule and making these children forget their pain and inspire them to keep the faith and hold on.

“You are indeed an angel in disguise,” ang sabi ng female lawyer sa post nito sa Instagram.

Dagdag pa nito, ayaw ipa-post ni Alden ang pics sa social media.

Matapos dalawin ang nasabing bagets na may last wish, dumaan si Alden sa iba pang pasyente sa pedia ward, pati na rin doon sa mga nasa ICU.