THE AlDub fans are rejoicing dahil kasama sina Maine Mendoza at Alden Richards sa pelikulang Enteng Kabisote 10 and the Abangers ni Vic Sotto at intended for Metro Manila Film Festival 2016.

Kuwento sa amin ng loyal supporters ni Maine, aalis ngayong araw na ito pa-Bohol ang phenomenal star ng Eat Bulaga para mag-shoo­ting sila ni Alden for Enteng Kabisote.

Noong unang lu­mabas ang balitang ang Enteng Kabisote mo­vie franchise ang gagawin uli ni Vic at isasali sa MMFF 2016, lumabas ang pangalan nina Maine at Alden bilang dalawa sa mga makakasama sa pelikula.

Pero noong nag-story conference para sa pelikulang ‘yon, hindi kasama ang famous loveteam.

Ngayon ay kumpirmadong may special participation doon sina Maine at Alden.

Tsika pa ng fans, sa Sabado ng umaga na ang balik nina Maine at Alden sa Maynila para humabol sa Eat Bulaga.

Ang alam nila, 11:50 AM ang dating ng dalawa, kaya baka ang barangay segment ng number one noontime show ng ‘Pinas ay gawin sa malapit sa airport.

Bumilib kami sa fans ni Maine na nakatsikahan namin dahil nagbabalak sila na sundan ang kanilang idolo sa Bohol, huh! Ang alam namin, kagabi nakabalik ng bansa si Alden mula sa London.

Kinumpirma ng isang production staff ng Enteng Kabisote 10 na may shooting ngayon sina Maine at Alden sa Bohol at ayaw lang ikuwento ng katsikahan namin kung ano ang roles nila sa pelikulang ‘yon.

***

Lorna Tolentino
Lorna Tolentino

Madrasta ni Mark Anthony Fernandez si Lorna Tolentino dahil kasal ang aktres kay Rudy Fernandez, ang yumaong ama ng dating member ng 90’s teen sensation group na Gwapings.

Kung ang nanay ni Mark Anthony na si Alma Moreno ay sobrang affected sa pagkakahuli ng pulisya ng Pampanga sa anak na sinasabing may dalang isang kilo ng mari­juana sa kotse, si Lorna naman ay dep­ressed sa nangyari sa anak ng yumaong mister.

Parang tunay na anak na rin daw ang turing dito ng premyadong aktres.

Marami rin ang naawa kina Alma at Lorna dahil sa dialogue ng pulis na, “He (Mark Anthony) will rot in jail!”

11 Responses

    1. Isabit mo MUKHA mo sa POSTE yang ang magandang decorasyon..tanggapin na lang kasi na SUPER SIKAT ang ALDUB atv SUPER LAOS ang SAKANGNIEL the FLOPbuster

    2. syempre kaya sinama ang aldog na sinasabi mo para makapanghatak ng manonood. syempre kung si Vic Sotto lang, sawa n ang mga tao sa kanya. naalala ko tuloy nung kasikatan ni Aiza Seguerra, excited kaming manood ng Petrang Kabayo ni Roderick Paulate dahil isinama siya, sa cast. SRO p yung sinehan, pero nadismaya kami kasi maliit lang rolde niya. kumbaga, pwede namang wala si aiza dun sa petrang kabayo, pero sabi nga ng parents ko, sinama daw si aiza para maraming manood

    1. HIRAP mo talagang tanggapin no ang KASIKATAN ng ALDUB wala na KAYONG mAGAGAWA diyan, YUNG SAKANGNIEL mo kahit na dodohin mo pa si BEKOK wala ng SOLUSYON diyan FLOPBUSTER nga ang BARTOLINA. Ang gawin mo na lang punta ka EDSA sakay ka bus tapos ILABAS mo ulo mo pag andar..hehehe para matapos na PAGHIHIRAP ng kalooban mo.. o sya balik ka na sa LOOB ng wetpu ni KABAYO

    2. eh bakit ka affected. whatever they do wont matter to you kasi sabi mo LAOS. madaming movies sa MMFF, yun ang panoorin mo. ehhh effort na effort ka madam