HINDI yata nakatakda na tumagal sa primetime ang teleseryeng Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza. Mas OK pa yata na gumawa na lang sila ng pelikula kaysa gumawa ng cheapanggang teleserye.

Mas aabangan pa ang kanilang Lenten Special sa Eat Bulaga dahil hindi nakakasawa at maayos na napaghandaan ang production values nito.

***

Paborito ng televiewers ang kabitseryeng Ika-6 Na Utos dahil sa relatable story nito.

Ikinatuwa ng netizens na in-extend ito hanggang Sabado.

Di matanggap  ni Angelo (Mike Tan) ang sinabi ni Georgia (Ryza Cenon) na nagsiping muli sina Emma (Sunshine Dizon) at Rome (Gabby Concepcion).

Ipagdidikdikan ni Georgia na uulit-ulitin lang ito ni Emma kahit ikasal sila dahil mahal pa rin ni Emma si Rome.

Handa na si Rome na iwan si Georgia.

Magtatapat na si Emma kay Angelo…

***

Mukhang nahihirapang makabangon sa radio ratings ang DZRH pagkatapos magkaroon ng backlash ang pagbo-broadcast ng NEGA ni MOCHA.

Marami ang umaasa na either huwag nang pabalikin si Mocha sa pagbo-broadcast sa istasyon o hindi na lang siya makapasa sa KBP Exam.

Ang lakas kasi ng turn off factor ng sexy starlet turned Duterte advocate.

***

Habang si Jimmy Bondoc ang nanguna sa Palit Bise rally noong Linggo sa Luneta, ang kagrupo niya sa Sabado Boys na si Myke Salomon ang lead star ng A Game Of Trolls sa PETA Theater na tumuligsa sa Marcoses at sa Martial Law.

Magkaiba ng opinyong politikal pero magkaibigan, puwede naman ‘yun.

Sana, ganu’n na lang lagi. Respetuhan lamang.

***

Ang final casting ng pelikulang Bes, Ang Ga­ling Mo (Uwian Na, May Nanalo Na!!) — Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin, Beauty Gonzalez at Ai Ai de las Alas.

Ang direktor ay si Joel Lamangan, mula sa panulat ni Ricky Lee.

“Now Filming!” post ng line producer na si Dennis Evangelista.