
Tuloy ang guesting today ni Alden Richards sa Kapuso sitcom nina Vic Sotto at Maine Mendoza na “Daddy’s Gurl.”
Ang chika ng source namin, ang pangalan ng karakter ni Alden ay Juan Carlos. Charot lang!
Ayaw ng AlDub Nation dahil real name ‘yon ng rumored boyfie ni Maine na si Arjo Atayde. Ha! Ha!
Aldrich ang name ni Alden at ang role nito ay high school crush ng karakter ni Maine na si Visitacion ‘Stacy’ Otogan. Ang cute, ‘di ba?
Siguradong kikiligin at muling mabubuhayan ng loob dito ang never-say-die na AlDub fanatics lalo pa’t mukhang swit-switan ang mga eksena sa episode na ito.
Malamang may mga mag-aabang din sa set ng behind the scene moments nina Alden at Maine. Hindi naman siguro magiging awkward ang dalawa dahil nandu’n naman si Bossing.
Curious kami kung tatanungin ni Maine si Alden tungkol sa naging experience nito sa Iceland kung saan nakita nito ang Northern Lights.
Balita kasing sina Maine at Arjo ang nagbabalak na makita ang Aurora Borealis, pero naunahan sila ni Alden na bigla na lang ay nasa Iceland na kasama si Jeny Ferre ng “Eat Bulaga” (na dating very close kay Maine).
Manghingi kaya ng tips si Maine kay Alden when it comes to Northern Lights watching bilang naranasan na ito ni Alden at ang gaganda ng photos nito with the dancing green lights in the sky?
At kung magtatanong nga si Menggay tungkol doon, aminin kaya nito kay Alden na si Arjo ang makakasama nitong magbiyahe para makita ang famous Aurora Borealis?!
Hindi nabanggit ng source namin kung kailan ang airing ng guesting na ‘yon ni Alden sa “Daddy’s Gurl,” basta abangan na lang daw dahil ipapalabas din ito sa lalong madaling panahon.
PAK!!
***
Piolo galante sa mga anak ni Yul
May pagkakuripot ang image ni Piolo Pascual sa showbiz pero galante pala siya kung mag-share ng blessings niya sa charity.
Ang close friend at kumpare ni Piolo na si Congressman Yul Servo Nieto ang makapagpapatunay nu’n dahil grabe pala kung tumulong ang aktor sa constituents ni Yul sa 3rd district ng Manila.
Sa pamamagitan ng kanyang Hebreo foundation, personal na nagpapadala si Piolo ng grocery goods na pinamumudmod doon sa Maynila. ‘Pag may nasunugan ay nagpapadala ito ng ham, tapos ay namimigay din ng rubber shoes.
Bukod doon ay may mga kabataang scholar pala na pinag-aaral si Papa P, hanggang sa maka-graduate ang mga ito na mula mismo sa sarili nitong pitaka.
Minsan na rin daw dinala ni Piolo ang mga kasamahan nito sa “ASAP” para mag-show sa Binondo, na may kasamang gift-giving after.
Ani Cong. Yul, ayaw lang ipaalam ng aktor ang mga kawanggawa nito, pero sa 100% daw na kinikita ni Piolo, 30-40% lang du’n ang napupunta rito and the rest ay ibinibigay nito sa charity.
Kumpare ni Yul si Piolo dahil apat sa limang anak niya ay inaanak nito. ‘Yung 20-anyos na panganay lang ang hindi dahil hindi pa sila magkakilala nu’n. Galante raw itong magregalo sa mga inaanak.
Sa muling pagtakbo ni Yul sa pagkakongresista ay nakasuporta pa rin sa kanya si Piolo. Ang sister at dating chief of staff ni Yul na si Apple Nieto ay tumatakbo namang Konsehal, doon din sa ikatlong distrito ng Maynila.
***
Barbie nagdusa kay Mika
Natuwa kami na napaaga ang paglabas nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz sa “Kara Mia” na ngayong gabi na, Huwebes, sa halip na sa Lunes pa.
Due to insistent public demand ay makikita na ulit sina Barbie at Mika bilang sina Kara at Mia na sobrang bitin ang screen time nu’ng premiere episode.
Totoo ‘yung chika ni Barbie na hirap siya sa role niya rito dahil siya ‘yung may kumpletong mukha at katawan, si Mika ay nasa likod lang ng ulo niya, so lahat ay siya ang gumagawa para sa kanilang dalawa.
May mga eksenang pasan-pasan niya si Mika para magmukhang nasa likod niya talaga ito, habang si Mika naman ay dapat magmukhang likod ni Barbie ang harapan, so tinatakpan ang dibdib nito.
Natatawang sey ni Mika, madali lang naman daw gawing mukhang flat ang chest niya. Ang gumaganap na madir nilang si Carmina Villarroel ay batok daw ni Barbie ang kausap ‘pag kaeksena si Mika, tapos ay makakailang shots sila para kunan pareho ‘yung dalawa.
Matutuwa ang “Kara Mia” fans dahil may interactive virtual set tour tonight sa social media at website ng GMA. Meron ding Twitter party at may Artistambayan sa set ng “KM” bukas.