Nag-advance taping ang “Eat Bulaga” bilang next week na ang alis ng Dabarkads para sa kanilang Holy Land trip.
Excited ang buong tropa dahil lahat sila ay first time na makakarating ng Israel.
Sa TVJ ay mukhang si Vic Sotto lang ang kasama sa biyahe dahil hindi raw ka-join ang Senate President na si Tito Sen at saka si Tito Joey de Leon.
Ikakasal kasi ang anak ni Tito Joey na si Jako de Leon next weekend kaya hindi makakasama si Tito Joey. Ang sabi sa amin ni Tito Joey ay nakapag-Holy Land na siya before, so okey lang daw.
Medyo nagtaka lang kami na hindi imbitado ang mga taga-“Eat Bulaga” sa kasal ni Jako samantalang very close ang pami-pamilya ng Dabarkads.
Parang tatay-tatayan na rin ni Jako sina Bossing, Tito Sen at Mr. Tony Tuviera, so hindi namin alam kung bakit hindi sila kinuhang ninong sa kasal, na ang dinig namin ay sa Balesin gaganapin.
Hindi rin kasama si Paolo Ballesteros dahil may sinu-shoot daw itong pelikula, habang sina Jose Manalo at Anjo Yllana ay hindi namin sure kung anong dahilan at magpapaiwan din.
Sure na ka-join sina Alden Richards at Maine Mendoza, so posibleng mag-bonding time ang dalawa sa pilgrimage na ‘yon ng Dabarkads, na bukod sa Jerusalem ay pupunta rin daw sila ng Petra sa Jordan.
Bongga ng bonding ng AlDub, ha? Sa Holy Land pa talaga. Religious at spiritual ang peg.
Pagbalik ng Dabarkads ay pa-abroad ulit sila dahil sa ibang bansa kukunan ang “Eat Bulaga” Lenten Special this year.
Sa tatlong bansa sa Asya ang setting ng tatlong Holy Week episodes ng “EB” na ang dinig namin ay sa Japan, Hong Kong at Myanmar.
Ngayong gabi na nga pala ang guesting ni Alden sa “Daddy’s Gurl” sitcom nina Bossing at Maine.
Aligaga sa kaka-promote nito si Direk Chris Martinez at sana raw ay panoorin ng lahat (maka-AlDub man o maka-ArMaine) ang nasabing episode na balik-tambalan nina Tisoy at Menggay.
PAK!!
***
Marian manganganak na
“In a few weeks,” ang sagot ni Dingdong Dantes sa tanong kung kailan manganganak ang misis niyang si Marian Rivera.
Ani Dong nang makausap siya ng press kahapon sa launch niya bilang brand ambassador ng Persian Avenue, medyo nagbawas siya ng trabaho dahil paparating na soon ang kanilang baby boy.
Kung hindi last week of March ay baka early April ang due ni Marian, kaya sigurado raw na sa bahay lang sila magho-Holy Week this year at hindi sila magbabakasyon.
Aminado si Dong na iba ang excitement niya ngayon na alam niyang lalaki ang isisilang ng kanyang asawa.
Ayaw pa niyang sabihin kung anong name ni baby boy, pero may mga pinagpipilian na raw sila at possible raw na isunod ito sa pangalan niya. Baka raw before ipanganak ang baby ay i-reveal nila ito, pero wala silang plano na kung anumang event.
Tsika pa ni Daddy Dong, konti lang ang binili nila for the new baby dahil may mga minana itong gamit mula sa Ate Zia nito.
Mas praktikal daw silang mag-asawa dito sa pangalawa nilang anak. Nag-thank you si Dong na sa baby shower, ‘yung mga ibang kailangan nilang bilhin ay binili na ng friends nila.
Ang panganay nilang si Zia ay lumalaking biba at performer, na obviously ay namana sa kanila ni Yan. Sey ni Dong, may mga nakuha sa kanila si Z, pero may sarili itong karakter, so nakakatuwa.
Ngayon daw ay namimili na ito ng sarili nitong damit at sapatos, so mukhang lalaki ring fashionista si bagets.
Hindi pa masabi ni Dong kung mag-aartista si Zia, basta paglaki raw nito, kung saan daw ito masaya ay susuportahan nila. Ang importante ay magtapos daw muna ito ng pag-aaral.
Proud first celebrity endorser si Dong ng Persian Avenue na pag-aari ng foodie brothers na sina Arjay at Paolo Lapid ng Pampanga.
Mahilig daw talaga sa Persian food si Dong, na nu’ng college ay paborito niyang kumain ng beef wrap at beef kebab. Kaya natuwa siya sa endorsement niyang ito.
Bilib din siya sa Persian Avenue na 2014 lang nag-umpisa pero may 44 branches na nationwide. Sa press launch niya kahapon ay nabanggit ni Dong na gusto niya ring kumuha ng franchise nito, na sinang-ayunan ng manager niyang si Tito Perry Lansigan.
***
Ai-Ai pasok sa ‘Kara Mia’
May bagong Kapuso show si Ai Ai delas Alas dahil pumasok na siya sa primetime telefantasya na “Kara Mia.”
Engkanto ang role ni Ai Ai na si Reynara, na siyang tumulong sa engkantong karakter ni Mike Tan na si Iswal para maging isang mortal ito.
Patay na patay kasi si Iswal sa karakter ni Carmina Villarroel na si Aya kaya lahat ay gagawin nito para sa babaeng minamahal.
Tao na si Mike, so nakadamit na ito, hindi na siya mapupulmonya dahil laging nakahubad ang engkantong si Iswal.
Napapanood ang trending fantaserye nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng “24 Oras.”