AlDub Nation kinawawa nina Maine, Arjo

tonite-imo-vinia-vivar

Pinagtatalunan ngayon ng mga netizen ang luma­bas na sweet photo nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa isang online showbiz portal na screengrab mula sa Facebook post ng isang nag­ngangalang Gil Quilong.

Ayon sa mga netizens, ang Gil Quilong ay private account umano ni Maine sa Facebook. Pero ang mas pinagtatalunan ng fans ay kung real ba o photoshopped ang larawan.

Makikita sa picture na ipinost ni Gil Quilong na sweet na sweet na magkayakap sina Arjo and Maine. Kitang-kita rin na ang saya-saya nila.

May mga nagsasabing totoo raw ang picture since private account ito ni Maine. May nagsasabi namang halata raw fake at si Alden Richards daw ang original na kasama talaga ni Yaya Dub sa photo.

Naghamon naman ang ibang netizens na kung talagang sina Alden and Maine ang orihinal na magkasama sa photo ay ilabas ito.
May nagsabi rin na real daw ang photo nag-like pa raw si Paolo Ballesteros.

May mga netizen naman na nagsabing gumising na raw sa katotohanan ang AlDub Nation na talagang sina Arjo and Maine na.

“Huuuuy!!! Aldub fan ako, pero naman gising na gising ako. Sinasampal na kayo ng mga pictures at katotohanang may something na si menggay malunggay at arjo, anu’t nasa wonderland pa rin kayo?? Anung meron at indenial pa rin kayo? My gosh. Tapos sisisihin nyo mga taong nagmamahalan.

Nakakaawa na kayo sa totoo lang,” komento ng isang fan sa thread.

May nagkomento rin na fake man or real ang photo, the fact still remains na together na sina Arjo and Maine at masaya sila.

“Halata mo talaga silang masaya. Sana tigilan na sila ng mga bashers. Obvious naman na sila na,” komento ng isang netizen.

Kris, Thea totohanan ang sakitan

Naaawa na si Kris Bernal sa co-star niyang si Thea Tolentino sa tuwing magkakapisikalan sila “Asawa Ko, Karibal Ko.” Hindi raw kasi talaga maiwasan na talagang magkasakitan sila dahil intense ang mga eksena.

“Oo, kawawa talaga siya, tapos super-taas pa ng heels niya. Pero super-professional ni Thea kasi hindi siya nagre­reklamo kahit anon’g nangyayari sa skin niya and balat niya and all.

“Minsan, nagkakasugat kasi siya, minsan, nagkakapasa siya, tapos ‘yun nga, ang sakit-sakit na ng hair extensions niya,” sey ni Kris.

Siya rin daw ay nagkakasugat din pero mas mahirap daw kay Thea dahil naka-heels pa ito ng 5-7 inches yata para magmukhang malaki sa kanya.

Sa pagtatapos ng “AKKK” ay mami-miss daw ni Kris ang mga co-star niya at production team.

“Nakakalungkot din kasi na-attach din ako sa mga katrabaho ko rito sa show lalo na sa naging pamilya ko like si Ms. Lotlot (de Leon), super-close ko siya dahil nga ilang beses na kaming nagkatrabaho kaya parang naging nanay ko na siya.

“Tapos, si Rayver (Cruz) naman, hindi ko akalain na ganu’n siya kabait, ganun siya kakalog. Tapos si Thea (Tolentino), napakahusay din. Alam mo ‘yung parang lahat bago sa akin pero gumaan agad ‘yung loob ko sa kanila.

“So, ‘yun ang pinakamami-miss ko,” saad ni Kris.