ITSURANG nasa press payanig kami para sa Star Circle 2018 launch, sa table kung saan ako ay nakaupo with two seasoned ladies, sa aming usapan, big­lang naging si Alden Richard­s ang naging main paksa.

May kaunting pagtataka at panghihina­yang ang dalawa dahil nga parang naka-stand still ang karera nito.

Confirmed ni seasoned lady A na may gagawin ngang drama-fantasya ang Pambansang Bae, ang Mitho. Ang pahulaan pa, kung sino ang magiging kapareha nito.

Ang nasagap ni seasoned lady A, si Janine Gutierrez ang itambal kay Faulkerson. Aniya, “Bagay na bagay. Isang tisoy, isang tisay. Isang guapo. Isang magandang babae. Pareho pang marunong umarte. Kahit ang mga non-fans nila, excited na magka­tambal ang dalawa.”

Si seasoned lady B, ang bet si Jasmine Curtis Smith, “Hindi ba nga, sa pelikula nila ni Maine Mendoza kung saan support lang si Jasmine, alikabok ang pinakain niya kay Menggay na banong-bano sa pag-arte.”

Bagay raw sina Alden at Jasmine at kung sakaling may drama show na gagawan, dapat very Cruel Intentions, si Alden yung role ni Ryan Phillipe, si Smith ang Sarah Michelle Gellar at ang Reese Witherspoon, si Janine, of course. Ang Cruel Intentions ay parang young version ng Dangerous Liaisons.

Paano na ang AlDub na tiyak na magwawala na naman at mapopoot kung magkaka-totoo ang ating wishes?

Sagot agad ni seasoned lady A, “Hayaan mo na sila, sa Twitter lang naman sila mai­ngay, noh!”

Second the motion na lang kami ni seasoned lady B. Kabog!

***

ANG diva that you love, dumalo sa dalawang premiere night ng mga pelikulang kalahok sa Sinag Maynila, na ang mga punong abala ay sina Direktor Brillante Mendoza at film producer Wilson Tieng.

Hindi ko alam kung may malakasang pagpapabuti sa bilang ng mga manonood dahil sa nasabing mga premiere nights na aking dinaluhan, walang tao sa orchestra section. Sa mga nakaupo sa premiere section, wala pa yata kaming dalawang daan.

Wala ring mga crew mula sa iba’t ibang networks. Wala ring representation ang mga entertainment writers na sumusulat sa mga broadsheets.

Ang Bomba ni Direk Ralston Jover ang kauna-unahang niyang full length motion picture na pinanood ko. Ngayon I am no longer a Ralton film virgin, walang pagduda na susuportahan ko ang kanyang mga likhang obra.

Bakit kaniyo? Ang Bomba ay isang kagimbal-gimbal na pelikula, unang eksena pa lang nito kung saan makikita mo ang duguang si Allen Dizon (Pipo), meron itong kakaibang pang-akit at ito ang pupukaw sa iyong damdamin.

May dalawang eksena si Dizon na sakdal husay, damang-dama na parang hinahalukay ang kanyang kalooban dahil sa isang pagkawala at ‘yong siya’y naglalakad, kumukulo na ang dugo at damdamin at ‘di na mapipigil pa ang pagsabog ng mga emosyong kinimkim at sinikil.

Walang dudang magkatugma sila sa husay, si Angelie Nicole Sanoy ay isang rebelasyon. Astang bata, astang dalaga, astang anak, pero meron pala silang lihim ni Pipo, ibang klase ang katotohanang binigay ni Sanoy sa kanyang katauhan.