tonite-pak-allan-diones

 

Supportive boyfriend ang peg ni Arjo Atayde sa pagpunta nito sa recent MAC event ni Maine Mendoza.

Ang “premyo” ni Arjo ay si Maine na mismo ang nag-post ng picture nila together sa Instagram stories nito.

First time ‘yon na ginawa ni Maine mula nang ma-link ang da­lawa, na ang paniwala ng marami ay may relasyon nila, base na rin sa pag-amin ni Arjo na “exclusively dating” sila.

Swit-switan ang pose ng ArDub (o ArMaine) na nakaupo si Maine sa wrecking ball at nakalambitin habang pareho silang nakadila sa kamera, na parang sinasabi nilang, “Belat n’yo!!”

Tila may shade din ‘yung caption dito ni Maine na, “Uy, may fan,” dahil ‘yun ang sinasabi ng iba kay Arjo, na “fan” lang ito at “stalker” ni Maine, na panay daw ang sunod kung nasaan ang dalaga.

Ngayong si Maine na mismo ang nag-post ng pic nila ni Arjo, “edited” pa rin kaya ito gaya ng madalas sabihin ng fantards na sobrang against sa ArDub?

May isa pang picture ang ArDub na nakatingin sila sa isa’t isa at ang sarap ng smile ng dalawa habang may paghawak si Arjo sa makinis na hita ni Maine.

Boom! Ito na ang hinihinging “resibo” ng fantards na kung tawagin ay “delulu” o delusional, na hanggang ngayon ay kumakapit sa paniniwala nilang si Alden Richards ang tunay na karelasyon ni Maine.

Walang koneksyon si Arjo sa nasabing event dahil launch ‘yon ng makeup na ineendorso ni Maine, pero invited ito. Alam na!

In fairness sa ArMaine, kitang-kita na masaya sila and they’re a picture of a happy couple, so bakit kailangang may kumontra?

Actually, kung maraming tutol, meron din namang mga natutuwa dahil ramdam nila ang ligaya ni Maine sa piling ni Arjo.

Natawa kami du’n sa comment na na-wrecking­ ball ang AlDub Nation sa post na ‘yon ni Maine. Ha! Ha!
Eh kasi naman… gi­sing-gising din sa katotohanan, guys!! PAK!!
***

Rayver ‘inutangan’ si Janine

Hindi pala nag-report agad sa taping ng “Asawa Ko, Karibal Ko” si Rayver Cruz pagkalibing sa kanyang Mommy Beth Cruz.

Akala raw niya ay kaya na niyang magtrabaho the next day, pero pag-uwi niya ay naramdaman niya ‘yung pagod at sobrang lungkot, so the following week na siya nag-taping.

Aminado si Ray na malungkot pa rin siya, pero parang sakto na pagkalibing sa mommy niya ay pinanganak ang pamangkin niyang si Raphael na unang apo dapat ng mom niya. Anak ito ng kuya nila ni Rodjun na si Omar na based na sa Cebu.

Sobra ang pasalamat ni Rayver kay Janine Gutierrez na grabe ang suporta sa kanya at sa pamilya niya. Happy raw siyang nakilala at nakasama pa ni Janine ang Mama Beth niya nu’ng nabubuhay pa ito.

Ang laking bagay daw na nandu’n si Janine at ang pamilya nito nang may pagdaanan siyang mabigat sa buhay niya.

Happy rin siya na parang nanay-nanayan niya ang madir ni Janine na si Lotlot de Leon, na noon pa man ay nakaalalay at nakasuporta na sa kanya.

Nu’ng Valentine’s pala ay sinamahan siya ni Janine na dumalaw sa puntod ng mommy niya, so utang daw muna ‘yung date nilang dalawa.

Gusto ni Ray na magbakasyon abroad pagkatapos ng afternoon serye niya at sana raw ay makasama si Janine kung puwede ito.

Huling dalawang linggo na lang ang “Asawa Ko, Karibal Ko” na hindi raw makakalimutan ni Rayver dahil ito ang unang show niya paglipat niya sa Kapuso network.

Naging sobrang close ni Ray sina Kris Bernal at Thea Tolentino dahil dito at biro niya, nadamay siya sa dalawa dahil mataas ang ratings ng show nila sa GMA Afternoon Prime.