
Grabe ‘yung comment ng ilang netizens na “RIP AlDub Nation” na raw matapos kumpirmahin ni Maine Mendoza sa kanyang blog na totoong nagdi-date sila ni Arjo Atayde.
‘Yun ang payanig ni Maine on the eve of her 24thbirthday, na hindi naman actually payanig dahil matagal nang alam ng lahat na lumalabas sila ni Arjo.
Mas bongga kung inamin na nang diretso ni Maine na sila na ni Arjo, na hindi na rin nakakagulat dahil mukha namang matagal na niyang sinagot ang Kapamilya actor.
Malinaw sa nasabing blog entry ni Maine na masaya siya ngayon. Ang sabi niya, she is in a better state than she was last year and years prior.
Muli rin niyang nilinaw na magkaibigan lang sila ni Alden Richards. Friends and workmates, ‘yun lang talaga at wala nang iba pa.
Harinawang matauhan na nang tuluyan ‘yung mga never-say-die na AlDub fanatics na patuloy na naniniwalang may relasyon sina Alden at Maine.
Nilinaw rin ‘yon ni Maine na hindi siya nagkaroon ng relasyon (kay Alden), never siyang na-engage, ikinasal o nabuntis tulad ng pinapakalat ng ilang delusional fans.
Idinepensa niya rin ang pagbibigay niya ng chance kay Arjo, na grabe kung i-bash dahil ayaw ito ng marami para sa kanya.
Inamin niyang lumalalim na ang relasyon nila at may effort si Arjo na pasayahin siya.
Ayon sa kuwento ni Maine ay maayos ang lahat sa kanila ni Arjo at suportado sila ng mga taong malalapit sa kanya.
Naniniwala raw ang mga ito na she is making the right decision of making her heart happy this time.
‘Yun na! Masaya nga ang puso ng birthday girl kaya kebs na niya kung maraming nasaktan sa ‘truth’ na isiniwalat niya. Buhay nga naman niya ‘yon, so siya ang magdedesisyon kung saan siya liligaya.
At mukhang tunay naman siyang maligaya dahil nakunan sila ni Arjo sa airport kahapon at mukhang may biyahe silang dalawa para i-celebrate ang birthday ni Menggay.
‘Yun na! Happy-happy! PAK!!
Dalawang aktres sinindak ang press
Hindi isyu sa premyadong aktres na si Ms. Charo Santos-Concio na matapos siyang magbida sa “Ang Babaeng Humayo” na nanalo ng Golden Lion sa Venice Filmfest ay tila suporta siya ngayon kay Bea Alonzo sa horror film na “Eerie.”
Ayon kay Ma’am Charo, sa tunay na artista ay walang malaki o maliit na role. Gusto niya raw ‘yung kuwento nito, gusto niyang gawin ang pelikula at gusto niya ang mga makakasama niya, so wala nang dapat na kuwestyon pa.
Ang karakter niya ritong mother superior na si Sor Alicé ay traditional na sumusunod sa dogma ng institusyon, pero very human ito na morally ambiguous at very conflicted.
Doon papasok ang tagisan nila ng aktingan ng karakter ni Bea na isang modern-day guidance counselor na gustong i-dissect ang problema, maraming tanong at gustong alamin ang ugat ng mga isyu.
Sey ni Bea, lagi silang may confrontation scenes dito, so na-excite kaming mapanood ang tunggalian ng akting ng dalawa sa pinakamaganda at pinakamahusay nating aktres.
Dugtong pa ni Bea, sa dulo ng movie ay may revelation kung saan may pagpapaliwanag na gagawin si Sor Alicé at magugulat daw tayo sa ipinakita na namang talento ni Ma’am Charo.
“Ako, in awe rin ako after that scene. Hindi ko alam, parang nawala rin ako sa eksena while doing it. Merong noises pala na hindi namin napansin because sobra kaming into that scene. Ang galing niya du’n,” papuri ni Bea sa Asia’s Best Actress.
Ani Ma’am Charo, ‘yun para sa kanya ang most frightening scene sa pelikula.
Ang acclaimed director ng “Birdshot” na si Mikhail Red ang nagdirehe ng “Eerie.” Nasa Netflix ang “Birdshot” kaya malaki raw ang chance na kunin din ng Netflix ang “Eerie” lalo pa’t may magandang relasyon daw ang Star Cinema at ang sikat na streaming giant.
Napatili at natakot ang showbiz press na ipinasilip nu’ng mediacon na first 10 minutes ng movie, na pramis ni Direk Mikhail ay traditional horror na totoong nakakagulat at nakakatakot at mala-roller coaster thriller din.
Sa March 27 ang showing ng “Eerie” dito sa ‘Pinas at sa mga sinehan across Southeast Asia.