TUWANG-TUWA ang AlDub fan sa biglaang pagdalaw ni Maine Mendoza sa bahay ni Alden Richards sa Sta. Rosa, Laguna.

Wala si Alden nang mag-SUGOD BAHAY si Maine sa Faulkerson residence.

Ang nandu’n lang ay si Daddy Bae at ang lola ni Alden na masayang i­nasikaso si Meng.

Iba ‘yung tuwa ng lola ni Tisoy pagkakita kay Menggay. Nag-bonding ang dalawa sa pagtingin sa photo albums ng pamilya at pa­nay ang tawa nila.

Inikot ni Maine ang buong bahay. Pumunta siya sa kusina, binuksan ang ref, nag-init ng ulam sa stove at sa oven, naghugas ng baso, nagwalis ng sahig na umabot hanggang sa likod ng bahay, tapos ay nagrelaks sa swing.

Nakita rin niya ang Iron Man collection ni Alden, pati na ang trophy cabinet nito.

May selfie moment din sila ni Daddy Bae at pic with the kasambahays.

Feel at home na at home ang Menggay kahit waley roon si Tisoy.

Hindi lang siya nakapasok sa kuwarto ni Alden na may hi-tech security lock at hindi basta-basta nabubuksan.

Mas cute at mas kilig sana kung hindi solo si Maine sa kanyang house tour at nandu’n si Alden.

Si Meng ang special guest ni Tisoy sa Upsurge concert nito sa Kia Theatre sa May 27.

Sey ni Alden, ibang level ang production number nila ni Maine sa nasabing concert dahil mas may time sila to rehearse para rito.

Pinaghandaan ng Pambansang Bae ang major solo concert niya na ito physi­cally, mentally and emotionally dahil pasasalamat niya rin ito para sa lahat ng kanyang fans.

Hindi na kailangan ng promo ng Upsurge dahil matagal nang sold-out ang tickets nito.

Wala na silang maibenta sa mga gusto pang bumili.

Kaya malamang ay magkaroon ito ng repeat, hindi lang namin sure kung kailan.

Patuloy pa ring napapanood ang AlDub sa primetime series nilang Destined To Be Yours na magtatapos na nga­yong Mayo.

10 Responses

    1. yan utak mo sabog sa droga! sobra galit mo sa aldub stressed na sressed ka na! bwahahahaha siguro hindi ka makatulog sa sobrang kasikatan ng aldub at natabunan na ang idolo mo kung sino man mga un! bwahahahahaha

      1. ah sikat nga pala mga idol mo kaya pala sisibakin na yung teleserye nila. bwahahaha! DESTINED TO BE TSUGI & DESTINED TO BE DA WHO! harharhar!

      2. ano naman ang gusto mo wag na tapusin? meronn ba ganun? at very much affected ka sa sobrang kasikatan ng aldub! magkano ba bayad sa sa iyo to bash aldub? ay alam ko na 1 kilo bigas at 500 pesos mula sa abias cbn! korek? bwahahahhha

    1. kakasawa ba? pero di ka nagsasawa mag bash! magkano bayad sa sa iyo? ay alam ko na 1kilo bigas at 500 pesos mula sa kabila istasyon! bwahahahahaa