JAMPACKED ang Upsurge concert ni Alden Richards sa Kia Theatre nu’ng Sabado night.
Ang haba nu’ng nakita naming pila na umiikot sa palibot ng venue.
Dumagsa ang mga nagmamahal sa Pambansang Bae from all walks of life na karamihan ay babae.
Mabilis na na-soldout ang tiket sa concert na ‘yon ni Alden sa Kia (na 2K+ ang capacity).
Mas okey na ‘yung ganu’n lang na intimate venue na super-puno, kesa big venue gaya ng Araneta Coliseum (na 16K+ ang capacity) tapos ay hindi mapupuno.
Tubig ang tema ng concert dahil fascinated si Alden sa ocean. Sabay bawi niya, na recently lang siya nahilig sa dagat, na obviously ay impluwensiya ng beach lover at mahilig sa tubig na ka-loveteam niya na si Maine Mendoza.
Sa opening video ay nakalubog sa pool si Alden, tapos ang opening song niya ay Cold Water (ni Justin Bieber).
Tilian ang Alden fans nang magtanggal siya ng jacket at gumiling-giling sa kantang That’s What I Like (ni Bruno Mars).
Ang highlight siyempre ng show ay ang number nila ni Maine.
Sensual ang kanilang payong dance na may yakap-yakapan at amoy-amuyan.
Nag-duet ang AlDub/MaiDen ng paborito nilang Coldplay hit na Yellow.
‘Yun ang song nang kargahin ni Tisoy si Meng sa Coldplay concert nu’ng Abril sa MOA Concert Grounds.
Panay ang pasalamat ni Alden kay Maine, na naging dahilan kaya nabago ang kanyang buhay.
“In-upsurge mo ang buhay ko,” sey niya sa dalaga.
Ang saya ng kulitan ni Alden at ng guest niyang si Jerald Napoles, na nauwi sa Fliptop battle, na nauwi sa dance showdown.
***
Dedicated sa kanyang nasirang ina ang kantang Your Guardian Angel.
Emotional at nakakaiyak si Alden sa tuwing nagsasalita siya about his late mother.
Ang nanay niya kasi talaga ang may gusto na maging artista siya. Gusto nito noon na maging Sergio siya sa Marimar.
Halos 10 years nang wala ang ina ni Alden at masakit daw na hindi nito naabutan ang lahat ng ito.
“Ang hirap na merong kang na-achieve, pero ‘pag na-achieve mo ‘yung bagay na ‘yon, wala na ‘yung taong pag-aalayan mo.
“Alam ko, nandiyan lang siya. So, Ma, wherever you are, this concert is for you. I love you so much.
“Hindi ‘yon magbabago everyday,” madamdaming bulalas ni Alden, na ikinaiyak ng audience.
May pailaw ang Kia crowd sa song ni Alden for his mom at meron din nang awitin niya ang God Gave Me You.
Meron siyang mga fans na may hawak na may nakasulat na, “Walang Iwanan.”
***
Inawit niya rin ang hit song niyang Wish I May.

Nu’ng kantahan niya sa stage ang isang lucky girl from the audience, panay ang tilian ng fans dahil sa tuwing inaawit niya ang linyang, “If I lose you, baby…” (mula sa It Will Rain ni Bruno Mars) ay bumabaling siya ng tingin kay Maine, na nakaupo sa audience nu’ng time na ‘yon at nanonood ng show.
Bukod sa kanyang sunud-sunod na numbers ay dance galore din si Alden.
Ang taas pa rin ng energy niya nang humataw siya ng sayaw sa encore song niyang Something Just Like This (ng Coldplay at The Chainsmokers).
Dahil sakses ang first major concert ni Alden na Upsurge ay malamang magkaroon ito ng repeat!
obviously isang bayaran ang odette na to para gumawa ng ibat ibang acct at suyurin ang mga article sa soc med para siraan ang aldub! patay gutom much!!!
hanggang ganyan na lang sila. wala ng career eh. pagkatapos nyan puro extra na lang sila uli sa eat bulaga. kakaawa talaga. nalaos agad. tsk tsk! harharhar!
asan na un tatlong magkakapatid na baklang bashers ng aldub? siguro di pa sila nababayaran ng 1kilo bigas at 500 pesos from other station! bwahahaha aldub vs abias cbn lang naman ang labanan!
hindi malaman ng mga patay gutom na bashers kung ano sasabihin para ibash ang ALDUB kaya hanggang ngayon wala pa…