AlDub TH ipangalandakan ang 248th weeksary

Nakakaloka! Si Maine Mendoza, buhay na buhay pa rin ang mga nagmamahal at sumusuporta dahil trending topic ang kanyang pangalan sa Twitter.

Bakit kaniyo nag-trend na naman ang Philippine Sweetheart? Kasi nga, ang mga hindi nagpapalupig ang pag-asang AlDub Nation, pinangangalandakan na they still have the might and numbers, para ipangalandakan na 248th weeksary ng phenomenal love team that was, sina Nicomaine at si Alden Richards.

Juice coored naman ang mga ito! May paniniwala pa rin talaga na pwede pang tawagin at ikunsiderang love team pa sina Menggay at Richards. Buwag na buwag na nga hindi ba? Huwag na i-push at gising na sa mga ilusyon, mga kapatid.

Masaya na si Maine sa bisig at pag-ibig ni Arjo Atayde. Maligaya si Faulkerson Jr.sa pagiging single and ready to mingle. May separate careers and lives na sila kaya kaawaan niyo naman ang sarili niyo na sa pagiging very Matteo at Sarah Guidicelli mauuwi ang dalawa.
Hindi uy! Stop na sa pagsusuot ng romantic helmet, huh! (Alwin Ignacio)