MAPUPUNO na naman ng kilig ang Sunday afternoon ninyo dahil sa pagbabalik ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza sa pangalawang parte ng first birthday celebration ng Sunday PinaSaya sa Linggo (September 11).

Hindi pa tapos ang pagpapakilig ng AlDub dahil may kakaibang twist na naman silang ipapakita sa #1 Sunday comedy-variety show.

Excited na si Maine sa kanyang susunod na guesting.

Sabi niya, “Si­yempre, ang enjoy dito. Masaya, masaya! Buti, inimbitahan nila ako dito sa celebration nila.

“Hindi na po kami magkaaway, medyo sweet-sweetan na kaya abangan n’yo po ‘yan!”

***

Get well soon kay Gelli de Belen na nasa ospital pa raw kaya hindi muna siya nakakapag-taping ng bago niyang teleserye na Magpahanggang Wakas na magsisimula na soon.

Makakarating kaya si Gelli sa presscon ng bagong Kapamilya show sa Linggo?

Abangan! Kasama niya sa show sina Jericho Rosales, Arci Muñoz at ang dating bayaw na si John Estrada.

***

Ang theater actress na si Teetin Villanueva na kasama sa Rak Of Aegis at ngayo’y nasa Ako Si Josephine ang girlfriend sa totoong buhay ng Till I Met You star na si JC Santos.

Pinanood siya ni JC noong press night pero hindi na umeksena ang sikat nang boyfriend.

***

Lovi at Tom
Lovi at Tom

Passionate ang intimate scenes nina Lovi Poe at Tom Rodriguez sa teledramang Someone To Watch Over Me ng GMA 7.

Mukha talagang mahusay at masarap sa kama si Tom, huh?!

Eh kasi naman, pinag­sabihan sila ng respetadong direktor nila na si Direk Maryo J. de los Reyes.

Kailangan, hindi nila dayain ang intimate scenes.

Dapat eh ituring talaga nilang asawa ang isa’t isa.

***

Lalong umiinit ang mga ganap sa teledramang Sa Piling ni Nanay ng GMA 7.

Magwawala si Scarlet (Katrina Halili) sa pagkawala ng ivory figurine.

Natutuwang nanonood si Ysabel (Yasmien Kurdi) sa mga ganap.

Matatanto kapagkuwan ni Ysabel na ang dalagitang si Katherine na tinulungan niya eh ang surrogate child niyang si Maya.

***

Txtsika ni Jun Noya (cell# 0919-209-2928), pogilicious ang 10 contenders sa Hottest Men Bikini Open 2016 mamayang gabi sa Prince Xanadu, Sct. Borromeo St., Brgy. South Triangle, Quezon City.

Malapit ito sa National Bookstore-Quezon Blvd.