MUKHANG ang tambalang James Reid & Nadine Lustre at Alden Richards & Maine Mendoza ang talagang magkatapat at magkalaban sa pagiging pambansang loveteam.
Pareho nilang inamin ang kanilang pagmamahalan on national television.
Mas naunang magpakatotoo sina Reid at Lustre. At ang pag-amin ni James na mahal nito si Nadine, lalong nagpaigting sa kanilang tambalan.
Honesty-is-the-best-policy truly worked for them.
Refreshing sa karamihan ‘yung gesture ni James of professing his love for Lustre, sa harapan of their adoring public.
“I finally found her kaya proud na proud ako.”
And Faulkerson followed suit. Sina Richard at Nicomaine, officially yours na kamakalawa.
Ang buong AlDub Universe at EB dabarkads, masayang-masaya at nagbubunyi na may relasyon na ang dalawa.
Parang answered prayer for all of them. This is the moment na sayang lang, was not sealed with a kiss.
Positibo ang resulta dahil sa kanilang pag-amin. Habang tumatakbo ang mga respective relasyon of these pairings, dumadami ang mga high profile endorsements.
Gandang-ganda ako sa bagong commercial ni Lustre para sa isang facial moisturizer.
May isang bahagi pa ang patalastas kung saan tila may patungkol sa isang artistang sinasabing ginagaya niya dati.
Ang mga netizens, of course, were quick to the draw at ang may we therefore conclude nila ay si Kathryn Bernardo ang tinutukoy ni Lustre.
Para sa isang tuna brand, ibinuyangyang ni Reid ang kanyang katawang pan’romansa.
May intriga pa sa katawang ibinilad sa TV ad. May body double daw na ginamit.
Siyempre pa, ang golpe de gulat sa JaDine, ang teleseryeng Till I Met You na talk of the town and loved by the majority agad-agad.

May isang meme na sobrang benta sa diva that you love. Ito ‘yung scene na first time magkita sina James, Nadine at JC Santos sa Greek airport.
‘Yung ang drama, akala ni Lustre eh siya ang kinakawayan ni Reid tapos it ended with James buzzing Santos sa cheeks.
Ang linya sa meme, “Yung may nakita kang gwapo. Pero gwapo din pala ang gusto.”
Mas naunang magka-love triangle ang AlDub.
Kung si JC Santos ang official third wheel ng JaDine, si Jake Ejercito naman ang sa AlDub na ipinakilala muna sa kalyeserye at tapos sa Holy Week drama.
Kung pagtatapatin sina Santos at Ejercito, walang itulak kabigin in terms of papogian.
In fact, itong si JC, eh kasama ni Reid as one of the top bachelors as proclaimed by a magazine na ang tanging misyon lamang sa mundo ay kung paano turuang magka-multi orgasm ang kababaihan.
Ejercito does not need to be part of the said proclamation. Panoorin n’yo na lang ang mga video clips at basahin ang interviews of his ex na si Andi Eigenmann and you will get the drift why Jake is truly a papable papa.
Ang Pambansang Bae at Philippine sweetheart, ‘yung commercial nila para sa isang chicken fillet, more than 10M views na at eksaherada for sure ang sales.
After the mammoth hit that was Imagine You and Me, pinag-aaralan at inaayos ang first TV drama na kanilang pagsasamahan, na dapat lang naman.
Alden and Maine deserve an ORIGINAL material. Huwag sanang inspired from a Korean or Latin Drama.
Sana, ‘yung soap na gagawin nila, ibalik ‘yung glossy. Lahat, yayamanin ang looks at setting na stamp of the bubblegum movies dati nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Paki-review po muli ang Dear Heart, PS I Love You, My Only Love at Friends In Love and you will get what I mean.
Tamang hindi ito madaliin at sana, ang teaser in the nearest future, walang naka-hoody at may pana, ‘noh?!

With James Reid & Nadine Lustre, Alden Richards & Maine Mendoza na nagpaka-totoo na, will the other loveteams follow suit?
Hindi ba nakakahikab na ang exclusively dating status nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?
Mauunawaan ko ‘yan kung teenagers pa kayo. Eh in your early 20’s, tama na ang ganyang dramarama.
Lalong nakakaumay ang kiyeme latik ni Enrique Gil na parang boyfriend-girlfriend na sila ni Liza Soberano na ‘di na kailangang may label.
Ay naku, Enrique! Ang balana at madlang pipol alam na you need Liza more than she needs you.
Sa quartet of young lovers, enjoy your young love, sweet love. Masarap talaga ang nagmamahalan.
Pero dapat alam din nila to be careful with their hearts at maging responsable sa kanilang pakikipagrelasyon.
Sa kathniel parang maghihit yung movie nila sa lizquen well see.
jadine may have lots of fans but hindi nila kuha ang general public based on the ratings of timy and the outcome of their last movie.
mas bet ko ngayon ang jadine, nakakatuwa sila panorin sa till i met you…hindi ako nakakatulog sa kakatawa. kahit pagod na pagod ako sa work, nkakastress reliever ang dalawa. iba talaga dating nila kapag nagkatinginan… excited na for their philippine concert here in cebu soon. like ko naman ang aldub. mas natutuwa lang talga ako sa jadine…… hahaha adik na talaga yata ako sa LT nato. never inlove with philippine loveteams before…..BUT NOW nakaloka natalaga
Haha! Galing maki-ride ng ABS. Matagal nang pinataob ang Jadine, Kathniel at Lizquen na nagsama sama dati sa Showtime versus Tamang Panahon ng Aldub… Walang nangyari diba? Taob! Landslide! Kunwari lang tinatapat kasi no choice ang ABS yan na ang pinakamalakas nila which sadly, is definitely not enough. :)
Sana mabasa ng GMA or ng APT etong article mo…about dun s suggestion mo s TS ng MaiChard..true n super ggnda ng movie ng Sharon and Gabby…sna magka idea sila..
thanks alwyn s isang makatotohanahng article. we love aldub so much. maski noranian ka