AlDub walang ismiran

tonite-pak-allan-dionesAminado ang manager ni Maine Mendoza na si Rams David na masaya ngayon ang alaga at nakikita niya ‘yon sa dalaga.

“I’m happy that she’s happy,” sey ni Rams patungkol sa sikat na alaga ng APT at Triple A Management.

Nakikita niya raw kay Maine na masaya ito ‘pag binibisita niya sa set ng taping o TVC shoot.

Feeling ni Rams, dahil ‘yon walang pressure ngayon kay Maine at mas nagagawa nito ang gusto nito dahil hindi ito tali sa loveteam nila ni Alden Richards. Wala naman kasing teleserye ang dalawa at tapos na rin ang Kalyeserye.

Nang usisain namin si Rams kung nag-uusap sila ni Maine tungkol kay Arjo, ang sagot niya ay alam niya na lumalabas ang dalawa.

As in normal na tao raw na kinikilala nang mabuti ang isang tao. Mas maganda raw ‘yung gano’n na kung sinuman ang magiging boyfriend ni Maine ay kilala nito.

Na-meet na raw niya si Arjo noon pa sa isang awards night at recently nang dumalaw siya sa set ng “Jack Em Popoy” na kasali rin sa cast si Arjo.

Natanong na ba niya nang diretso si Maine kung anong real score dito at kay Arjo?

“Yes, they’re friends. They’re good friends at masaya siya (Maine). Lumalabas naman siya with friends also.”
Maganda ‘yung linya ni Rams na, “Lahat naman ng tao, may karapatang sumaya.”

Dugtong niya pa, “Ang hirap naman i-curtail ang freedom ng bawat isa lalo na kung ikasasaya mo at hindi naman masama ang gagawin mo.”

Kung maging sina Arjo at Maine, anong magiging reaksyon niya?

“Siguro, kung in the future, well, magiging masaya ako kung kanino siya magiging masaya. I’ll be happy kung saan siya happy.

“Kasi, kung ‘yun ‘yung makakatulong, mas magiging masaya siya sa output ng gagawin niya as a person, as an artist, I’ll be happy for her in the future kung anuman ‘yung mangyayari.”

Tungkol naman sa AlDub, nakikita raw niya na may good working relationship ngayon sina Maine at Alden. Hindi raw nag-iismiran o nag-iisnaban ang dalawa kundi nag-uusap as good friends.

Lalo na raw ngayon na magkakaroon na rin ng sarili nitong branch ng McDonald’s si Alden, baka raw kay Maine ito magtanong bilang naunang magkaroon ng McDo.

Posible pa rin daw na gumawa ng pelikula ang AlDub next year. Puwede rin na gumawa ng movie si Maine na hindi kasama si Alden.

Ilalabas na rin next year ang album ni Maine under Universal Records na hindi natuloy this year. Karamihan ng songs dito ay si Maine mismo ang sumulat.

Ricci ayaw maki-love triangle sa KathNiel

Inamin sa amin ni Ricci Rivero na nagagandahan siya kay Kathryn Bernardo.

There was a time pala na nag-extra si Ricci noon sa isang episode ng “Wansapanataym” ni Kath kaya nakita na niya ito nang malapitan.

Inamin ng 20-anyos na hard court heartthrob na sobra siyang fan ng KathNiel loveteam at wish niyang makatrabaho ang dalawa kahit extra lang daw siya.

In fairness ay bida na ngayon si Ricci sa horror movie na “Otlum” na kasali sa MMFF 2018, pero ayaw niya raw maging ka-love triangle ang KathNiel kahit pa maganda ang role na i-offer sa kanya.

Support lang daw talaga siya sa dalawa dahil katwiran niya, “Kapag idol mo, hindi ka talaga maggi-get in between.”
Matigas ang desisyon ni Ricci na ayaw niya talagang maki-love triangle sa KathNiel. Pass daw siya.

Nang tanungin namin kung crush ba niya si Kathryn, ang sagot sa amin ni Ricci ay, “I adore her.”

“Mara Clara” days pa lang daw kasi na si Albie Casiño pa ang partner ni Kath ay iba na ang tingin niya sa dalaga. May something special daw siyang nakikita rito.

Bukod kay Kath, nagagandahan din si Ricci kay Liza Soberano, pero ayaw din niyang maki-love triangle sa LizQuen kahit bigyan siya ng chance.

At kung sakaling kukunin siya para sa “Darna” movie ni Liza, ang sagot ni Ricci ay depende sa schedule niya dahil priority niya pa rin ang basketball career niya. Taruzsh!

Matutuwa ang mga girlash at baklush sa sinabi sa amin ni Ricci na wala siyang girlfriend. Ang huli raw ay 4 years ago pa nu’ng high school siya.

Basketball talaga ang buhay ng morenong player ng UP Fighting Maroons, pero nag-e-enjoy siya ngayon sa showbiz.

Hindi pa sure si Ricci kung magtutuloy-tuloy na ang kanyang showbiz career, pero sana raw ay maganda ang maging resulta ng first movie niyang “Otlum” na dinirek ni Joven Tan.