ANG guwapo talaga ni Ruru Madrid, pinag-aagawan siya ng ­dalawang babae.

Ka-love triangle kasi ng karakter ni Ruru sa Encantadia na si Ybarro/Ybrahim ang magkapatid na Sang’gre na sina Alena (Gabbi Garcia) at Amihan (Kylie Padilla).

Nagugulat ang young Kapuso hunk dahil parehong malakas sa fans ang AleBarro (Alena + Ybarro) loveteam at YbraMihan (Ybrahim + Amihan) tandem.

Sey ng delicious na binata, madalas mag-trending ang mga ito sa Twitter at may mga nag-aaway na fans ng GabRu at YbraMihan.

Kaya ang sabi niya sa mga ito, respeto lang kung sino man ang gusto nilang suportahan, hindi dapat mag-away-away.

Sa istorya kasi ay merong ganu’ng love triangle dahil parehong napamahal at nagkaanak si Ybarro/Ybrahim sa magkapatid na Alena at Amihan.

Si Kahlil (Avery Paraiso) ang supling nina Ybarro at Alena, habang si Lira (Mikee Quintos) ang bunga ng pag-iibigan nina Ybrahim at Amihan.

18-anyos lang si Ruru, pero tatay siya ng dala­wang bagets.
Ang sabi ng fans ay para lang magka-loveteam sina Ruru at Mikee.

In fairness, ‘pag kaeksena niya si Mikee at si Avery ay pini-feel ni Ruru ang pagkatatay niya sa dalawa.

Kahit apektado ang ibang GabRu fans sa pagtatambal kina Ruru at Kylie, in real life ay wala silang dapat ipag-alala dahil si Gabbi lang ang girl ni Ruru habang si Kylie ay sobrang inlabey sa nobyo nitong si Aljur Abrenica.

Hindi escort si Ruru sa debut party ni Gabbi sa December 6, pero siya ang 17th dance nito sa 18 Roses.