Hinamon ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na samahan siyang pumunta ng Sandy Cay kung totoo ang pahayag nitong kontrolado ng Pilipinas ang nasabing sandbar sa West Philippine Sea (WPS).
“Ang sabi po kasi nila na kontrolado natin ‘yan so sabi ko ‘sila lamang ang makapag-validate niyan.’ So ang challenge ko sa kanya kung totoong atin ‘yan ay puntahan natin tignan natin kung hindi tayo ipagtabuyan ng mga Chinese na nakabantay doon,” hamon ni Alejano kay Cayetano.
Ang Sandy Cay ay isang sandbar na matatagpuan 2.5 milya ang layo mula sa Pag-asa Island sa WPS.
Ang nasabing lugar ay binabantayan umano ng dalawang Chinese Coast Guard at kapag lumalapit ang mga sundalong nagbabantay sa Pag-asa Island, at mga mangingisdang Pinoy ay binubusinahan sila.
Sinabi ni Alejano na sumulat na rin siya sa Department of National Defense (DND) upang makasabay sa susunod na biyahe ng eroplanong magdadala ng supply sa mga nagbabantay sa Pag-asa Island subalit wala pang tugon ang DND.
Aniya, gusto ng China na kontrolin ang Sandy Cay upang magkaroon sila ng rason na makontrol ang iba pang katabing lugar sa WPS