MULA sa stage at film actor na si Gabe Mercado tungkol sa 2nd SONA ng President, “And once again, the television ­coverage of the SONA is comically amateurish.

“I’m not a fan of this President, but please make him look good, at least out of respect for the office.

“The extreme close up on his nose and pores is just wrong.”

***

Nakakaaliw ang mga interpreter sa SONA, lalo na kung isina-sign languange nila ang TARANTADO at PUTANG INA.

Napapangiti ‘yung isang interpreter!

***

Mula sa buntis na si Pokwang, “Hahaahhahaa natatawa ako #SONA2017 bakit hindi ipakita ‘yung nag sa sign language sa gilid kapag nagmumura si Duterte?

“Hahaahhahaha gusto ko makita na naka-dirty finger sya hahhahahaa kaloka!”

***

Best Dressed sa SONA si Jinkee Pacquiao para kay Fashion Pulis.

Si Paul Cabral ang gumawa ng kanyang suot. Ang mahusay na si Juan Sarte naman ang gumawa ng kanyang na­tural na make up.

Si Jinkee ang Best Dressed sa Scaled Down SONA Fashion Trend.

***

Pagkatapos purihin si Ted Failon, niligwak at minura pa rin ni Digong ang Kapamilya network.

Nakakatakot kung ano ang kasasapitan ng ABS-CBN sa pagre-renew nito ng broadcast franchise sa darating na taon.

***

EMPOY at ALESSANDRA
EMPOY at ALESSANDRA

P53M ang kinita ng pelikula nina Alessandra de Rossi at Empoy na Kita Kita in 5 days.

Balita namin ay naka-P25M in one day (Sunday) ang Alempoy movie at malaki ang naitulong ng word-of-mouth.

Sana, manatiling ma­­tatag ang ­box-office showing ng pelikula kahit parating na ang ­Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz film na mahina ang dating ng trailer.

2 Responses