Nananatiling nasa ilalim ng alert level 1 ang Mt. Mayon matapos na makitaan ng abnormal conditions ang bulkan, ayon ito sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kahapon.
Kinlaro naman ng PHIVOLCS na walang nakikitang magnetic eruption pero sa kabila nito ay binigyan pa rin ng babala ang publiko sa pagpasok sa 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkan dahil sa mga posibleng rockfalls, landslides, biglaang magbuga ng abo at steam-driven o phreatic eruptions mula sa summit.
Nitong araw ng Huwebes nang itaas sa alert level 1 ang bulkan dahil na rin sa sulfur dioxide emission na mas mataas sa baseline level na 500 tons sa bawat araw sa isinagawang aerial survey ng mga geologists at disaster officials. Umaga ng Sabado ay wala namang naitalang significant changes sa crater dome nito, gayundin ay walang nakitang crater glow.
Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na manatiling alerto at laging antabayanan ang mga ulat na nagmumula sa gobyerno at huwag nakawin o pakialaman ang mga kagamitan o monitoring equipment na inilalagay sa palibot ng Mayon.