Bisaya, natawa sa paghihirap ni Ruffa

NGAYONG certified box-office star na siya, pangarap ni Alessandra de Rossi na mapauwi rito ang kanyang pamilya na based sa Italy.

Gusto ni Alessandra na mapanood ng kanyang pamilya ang ­Kita Kita blockbuster nila ni Empoy.

Nang dalawin namin si ­Assunta de Rossi sa taping ng Impostora ng GMA 7, tinanong namin ang ate ni Alessandra kung matutuloy ba ang plano ng kanyang kapatid, pero mukhang malabo ito.

Pero sa Nobyembre, pauuwiin ni Assunta ang nanay nila rito.

Mukhang hihintayin na lang muna ng pamilya ni Alessandra na mai-release sa DVD ang Kita Kita ­bago nila mapanood ‘yon.

Of course, hindi nila panonoorin sa online ang ­Kita Kita.

May ilang namirata kasi sa pelikula na nag-share online.

Against doon ang maraming taga-showbiz ­industry.

Isa si Assunta sa nagsasabi sa kanyang ­followers sa social ­media accounts na huwag i-share ang pirated online copy ng Kita Kita.

“Nakaka-sad lang ang ginawa ng iba. Ang maganda, maraming ­ayaw mag-share ng link ng pirated copy,” sey ni Assunta.

***

Ngayon ang uwi sa ‘Pinas ng mag-iinang Ruffa Gutierrez, Lorin at Venice kasana ang ­Gutierrez matriarch na si Annabelle Rama mula sa Hong Kong.

Kahapon, isinama ni Ruffa sa Disneyland ang mga anak.

Dahil mainit sa HK, nag-decline si Bisaya. Hindi niya pinangarap na mag-collapse siya ­dahil sa init.

Saka mas mabuti raw na ang mag-iiina lang ang mag-bonding sa Disney­land para ma-feel ni Ruffa kung gaano kahirap alagaan ang kanyang mga anak..

“Sabi ko nga kay ­Ruffa, noon, sasagot-sagot siya sa akin. ­Ngayon naman, mas worse pa ang mga anak niya, kaya mahihirapan talaga siya sa mga ‘yan. Hahaha!” natatawang dialogue ni Bisaya.

Sa edad ni Lorin na 14 at magti-13 si Venice, nakukulitan na si Bisaya sa mga apo.

Kapag ayaw niyang payagan ang gusto nina Lorin at Venice, kataku-takot pa ang explanations niya.

“You cannot just say no to them, kailangang i-explain mong mabuti. Kailangan, valid ang reason mo kaya ayaw mong pumayag sa gusto nila,” sey ni Bisaya.

Mamayang gabi ang second episode ng 5th season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sa E!

***

Julia Barretto
Julia Barretto

Dahil sa sobrang sweetness nina Julia ­Barretto at Joshua Garcia sa debut party ni Claudia Barretto, lalo tuloy pinagdududahang may relasyon na ang dalawa.

Actually, maraming boto kay Joshua para kay Julia.

Marami rin ang nagsasabing approve ang pamilya ni Julia kay Josh.

Kung sila na talaga, kailan kaya sila aamin?