WAGAS kung mag-asaran at mag-alaskahan sina Alex Gonzaga at Luis Manzano.

In fairness kasi kay Alex ay parang siya lang ‘yung kering makipagsabayan sa bargas na sense of humor ni Luis, na na-master na ang mang-urat at mamikon ng kanyang mga kaibigan.

Nang mag-guest kamakailan sa Family Feud si Alex ay pinaiyak na naman siya ni Luis.

In fairness ay ang daming­ naaaliw sa mga kulitan at okrayan ng dalawa.

Nang mag-tweet si Alex habang nagaganap ang Senate hearing ng, “Okay lang pala sa Maximum Bilibid dahil ‘Las Vegas’ daw ‘yun, sabi ni Colangco.­ Buti pa mga nakakulong nasa Las Vegas,” sinagot ‘yun ni Luis ng, “May usap-usapan sa hearing na ikaw daw ang numero unong tulak ng Combantrin, totoo ba?”

Joseph Marco
Joseph Marco

Sa isa pang tweet ni Alex na, “Maiba tayo… Kumanta na si ­­Colangco pero sa Senado naman! De Lima, kalso ka! Patay!! Sen. DILIMNA!” hiniritan ‘yon ni Luis ng, “Huwag ka mag-alala, pinagtanggol kita sa hearing. Sabi ko, ikaw pinakamalaking dealer ng Immodium ­Pilipinas.”

Sinagot ‘yon ni Alex sa Twitter ng, “Ha! Ha! Ha! Ha! Ikaw supplier ko, tumigil ka!” na binuweltahan ni Luis ng, “Ano ba krusada mo laban sa mga bulate?”

Riot sina Alex-Luis­ ‘pag magkasama kaya cute ‘yung cameo ni Luis sa movie ni Alex na My Rebound Girl.

Ganu’n ka-love ni Luis si Alex na suportado niya ang pelikula nito with Joseph Marco.

Parehong sobrang thankful kina Mother­ Lily Monteverde at Roselle Monteverde sina Alex at Joseph na binigyan sila ng Regal Films ng sarili nilang movie na matagal nilang hinintay.

Sabi ng direktor ng My Rebound Girl na si Direk Emman dela Cruz, workshop pa lang ng SephLex ay grabe na ang chemistry ng dalawa at nag-translate ‘yon sa shoot nila.

Grabe ang suporta­han nina Alex at Joseph, na iiyak ‘yung isa bilang suporta sa isa.

Ani direk, pakikili­gin at patatawanin ni Alex ang audience habang si Joseph ay committed maging funny at maga­ling magpa-swoon.

9 years ding hinintay ni Alex ang magkaroon ng launching mo­vie. Ang dami niyang inumpisahan dati pero ito lang ‘yung natapos.

Si Joseph ay se­cond lead sa JaDine movie na Talk Back and You’re Dead. Dito ay siya na ang leading man kaya fully committed ang Kapamil­ya hunk na ibigay­ ang kanyang 100%.

Mga 10 times niya binasa ang script at in-imbibe niya ‘yung character ni Rich, na nainlab sa karakter ni Alex na si Rocky.

Mamaya ang red carpet premiere ng My Rebound Girl at bukas ang showing nito sa mga sinehan nationwide.