Kilala at nirerespeto sa kanilang mga larangan sina Arnell Ignacio at Alex Gonzaga na parehong may malasakit sa bansang Pilipinas kung kaya naman sinusuportahan nila ang Juan Movement party-list.

Kapwa miyembro sina Arnell at Alex ng grupo na naka-focus sa pagpapalaganap ng nasyonalismo, pagiging makabayan at pagbibigay-halaga sa pamilyang Pilipino. Todo suporta ang dalawa sa mga nominees ng party-list na sina Jhun Llave, Nico Valencia at Mark Boado.

“Sobrang ganado talaga ako para sa Juan Movement dahil ‘yung wavelength ng kanilang advocacies ay pareho sa pinaniniwalaan ko. Sobra silang committed na mapabuti at mapaganda ang buhay ng mga kababayan natin,” sambit ni Alex.

Si Alex din ang mukha at boses ng Juan Movement catchy jingle na “Chambe” na napapanood sa TV ang advertisement.

Nakabalik man sa pagiging ordinar-yong citizen si Arnell mula sa tatlong taong paninilbihan niya sa gobyerno, mas lalong tumindi ang pagnanais niyang makatulong sa ating mga kababayan lalo na sa ating overseas workers na nasa Middle East at Hong Kong. Naintindihan niya ang hirap ng mga ito na mawalay sa kanilang mga pamilya kumita lang para sa mga mahal nila sa buhay. Isa ito sa pagtutuunan ng pansin ng JMP sa Kongreso kung manalo sila para buuin ang OFW Academy.

“Hindi naman ako susuporta sa kahit sinong grupo kung hindi ko rin lang pinaniniwalaan ang kanilang mga ipinaglalaban. Ito ang nakita ko kina Jhun, Nico at Mark kaya isinapuso ko ang pagtulong sa kanila para malaman ng ating mga kababayan ang mga adhikain ng Juan Movement,” pagbabahagi ni Arnell. (Roldan Castro)