Roldan Castro

Malaki ang kinikita ng vlog ni Alex Gonzaga sa kanyang Youtube channel. Patok kasi sa mga netizen ang pino-post niya na madalas naman ay nakakatawa.

Pero ibinuking vng Pansamantagal­ actor­ na si Bayani Agbayani ang kakuriputan­ umano ni Alex sa “Tonight With Boy Abunda”.

Pagbibiro ng komedyante: “Parang ginagamit pa niya kami sa mga vlog niya. Lagi ka­ming kasama sa vlog niya.”

Hindi man lang daw magpa-sandwich o magpakain si Alex. Ni singkong duling ‘di umano nagsi-share.

Nu’ng umeere pa ang “I Can See Your Voice,” tinitipon pa sila ni Alex instead umano na uuwi na sila sa kanilang pamilya. Kahit pagod na sila ay isinasama pa rin sila sa vlog niya. Gaya dati na pinakanta sila ng Bohemian Rhapsody na nag-trending.

May isyu rin siya sa pagri-release ni Alex ng ‘Chambe-Chambe’. Inunahan daw sila ni Kean Cipriano sa pagpo-promote ng kantang “Ulo-Ulo”.

Umurong na raw sila sa promo dahil baka raw pulutin sila sa kangku­ngan sa pag-hit ng ‘Chambe-Chambe.’

“Ang maano lang kay Alex, ‘yung alam niya na meron na kaming Ulo-Ulo, gumawa agad ng Chambe-Chambe so parang gusto niya siya lang ang sumikat. ‘Yun ang napansin ko,” hirit pa ni Bayani na tumatawa.

Pero idiniin niyang kaibigan niya si Alex at mahal na mahal niya ito.

Biniro na lang si Ba­yani na hiritan niya si Alex ng block screening ng pelikulaniyang ‘Pansamantagal’ na showing sa March 20. Kasama niya sa movie sina Gelli de Belen at DJ Chacha.