Alex Dumepensa: Toni hindi ka-level nina Bea, Angel

NI: RONA RONDA

Dinepensahan ni Alex Gonzaga ang kanyang Ate Toni dahil sa akusasyong hindi ito nagpapaabot ng tulong para sa COVID-19 crisis.

Nagkaroon pa nga meme sa Twitter na kung saan ginamit ang karakter ni Toni bilang Teddie Salazar sa “Four Sisters and a Wedding”. Matatandaan na kabilang sa magkakapatid sa pelikula ay sina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Angel Locsin at Shaina Magdayao.

Kinabog daw si Toni nina Angel at Bea pagdating sa pagbibigay ng ayuda.

Depensa naman ni Alex, “Teddie Salazar walang kwenta pero ‘yung Toni Gonzaga dami na naitulong ‘di lang siya ma-post.”

Kaya naman para manahimik na ang mga basher, ipinost na ni Alex ang dinonate ng kanyang ate. Aniya, “The 4th batch of our 1k relief goods is from my sister. She has been continuously helping without posting anything. She has built and renovated different churches, has scholars, and regular feeding program for kids.”

Samantala, ngayong napatunayan na ng mga netizen ang pagtulong ni Toni Gonzaga, ang hinahanap naman nila ngayon ng ayuda ay mula kay Shaina Magdayao.