TATLONG beses nang nagmahal at nasaktan si Alex Gonzaga sa totoong buhay.

Ang lahat ng ‘yon ay hindi raw nag-push through, so parang wala pa siyang totoong nakakarelasyon dahil laging pa­ngit ang kinakalabasan ng kanyang lovelife.

In short ay laging epic fail ang kanyang pakikipagrelasyon.

Laging may hinahanap si Alex sa mga lalaking ‘yon at na-reali­ze niya na baka hindi niya rin talaga minahal ang mga ito.

Dahil doon ay ang dami niyang natutunan at na­kagawa pa siya ng libro na pinagkakitaan niya.

Katambal ni Alex sa Regal romcom movie na My Rebound Girl ang dati niyang nakapareha at malapit sa kanyang si Joseph Marco.

Mas komportable sila ngayon sa isa’t isa kesa nu’ng una silang magkatrabaho sa Kapa­milya teleseryeng Pure Love.

Sey ni Alex, nang gawin nila ang movie ay mas constant ang paglalandi sa kanya ni Joseph. Mas consistent ito ngayon na gusto siyang pakiligin.

Lagi itong nang-aa­sar, na minsan ay sinasabi nitong nangangamoy na siya. ‘Pag mahirap ang eksena ay lagi itong nang-aasar at nagti-trip.

Pero ‘pag ngumiti na ito ay hindi magawang mainis dito ni Alex.

Sabi naman ni Joseph, kilala na kasi niya si Alex kaya gets niya ang ugali nito at mas nakakapag-adjust siya sa dalaga.

Nang sabihin ni Alex na masarap kasama si Joseph dahil nakikisama ito at perfect gentleman, ang pa-sweet na reaksyon ng binata ay, “Because you’re my girl!”

Tsika ni Alex, hindi nanligaw sa kanya dati si Joseph dahil hindi sila nabigyan ng pagkakataon at pareho silang hindi pa ready. Wala sa isip nila noon ang relasyon.

Ngayong nagkasama sila ulit at mas open na sila sa isa’t isa, hindi sure si Alex kung nanliligaw ba sa kanya si Joseph o hindi.

May time na parang nagpaparamdam ito, gaya nu’ng nakaraang Valentine’s Day na nagulat siya dahil binigyan siya nito ng bracelet.

At in fairness kay Joseph, nu’ng time na nangangampanya ang daddy ni Alex, isang text lang ay go na ito agad.

Ayaw mag-assume ni Alex. Kung pupunta sa bahay nila si Joseph nang unannounced ay baka ‘yun na.

Sey ni Joseph, ayaw niya kasing pilitin. Gusto niya ay maging natural ang lahat.

Dati ay hindi pa ready silang dalawa, pero ngayon ay nandiyan lang siya at pareho silang single ni Alex.

Sabi ni Alex, in fairness, for the past 2 years ay consistent na nandiyan for her ang 27-anyos na si Joseph.

Kung ang 28-anyos na si Alex ang tatanungin ay gusto niya rin siyempreng makahanap ng mala-Paul Soriano na napangasawa ng kanyang Ate Toni Gonzaga.

Ayaw niyang magpapalit-palit ng boyfriend. Gusto niyang may makasama na talagang magtitiis, tatanggap at magtatagal sa kanya na wala siyang balak iwan.

Ganu’ng klaseng lalaki ang gusto niyang makasama habambuhay.
Sey ni Alex, wala siyang dyowa nga­yon, pero nag-e-entertain siya ng manliligaw.

Kung meron man siyang napupusuan, sana raw ay magtuluy-tuloy ‘yon dahil laging may dumarating pero hindi nagtatagal.

In all fairness ay hindi na mahigpit ang kanyang Mommy Pinty. Parang hinintay lang nitong magpakasal ang ate niya.

Nasa tamang edad na si Alex, pero strict pa rin ang madir niya sa curfew.

Magpapasaya at magpapakilig ang SephLex loveteam sa My Rebound Girl na showing nationwide sa September 28.