Alex sabik makipaglandian sa dyowa

NI: ARCHIE LIAO

Dahil may coronavirus outbreak at ipinatutupad ang physical distancing, dusa ang mga magdyowa.

Ito rin ang himutok ng social media ni Alex Gonzaga na for some time ay hindi makakaulayaw ang kanyang boyfriend na si Mikee Morada .

Kasabay ang post ng kanilang short video together,may caption itong” Posting this ‘coz

miss ko na makipaglandian sa boyfriend ko. Sino nakakarelate 😭😂”.

Umani ito ng maraming like at marami ring netizen ang nainggit sa kanilang lovey-dovey pose.

Sey naman ng iba, tiis-tiis muna raw si Alex lalo’t krisis ngayon.

For sure raw busy ang kanyang councilor boyfie sa pag-aasikaso sa kanyang constituents sa Batangas .Katulad ito ng pagtulong niya sa kanyang mga kababayan na binibigyan ng ayuda sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief goods.