DAHIL sa mga bonggang-bonggang Korean contemporary at costume dramas, sanay na sanay na tayong kiligin at pagnasaan ang Korean oppas.
Relate much tayo sa mga hombreng ito dahil rice queens tayo.
Makikinis ang kutis, check. Panalo ang pagiging fashion forward, check na check.
At ang mga modern K dramas, laging may obligatory shower scenes ang oppas kaya kitang-kita natin ang kanilang katakam-takam na katawang panromansa.
In most Korean dramas, it is the other way around — ang mga lalaki ang mas objectified. Siempre pa, wala tayong reklamo sa katotohanang ito.
Kung ikaw ay loyal ka-Siyete, tiyak na naging bet na bet mo si Kwon Sang Woo (Stairway to Heaven), Ji Jin Hee (Jewel in the Palace), ang duo of papables na sina Song Seung-hon at Won Bin (Endless Love), Kim Rae Won (Attic Cat), Song Il Gook (Jumong), Oh Ji Ho (The Slave Hunters), Gong Yoo (Coffee Prince) at Lee Jon Ki (Scarlet Heart).
Iba’t ibang klaseng kaguapuhan at sex appeal. Makikisig. Matitikas at may chance na tigasin.
Hindi pwedeng ikaila, masarap na masarap ang Korean male specimens na ito.
Damang-dama natin ang pagiging tunay na lalaki nila. Hindi lang kilig ang hatid, may init na dala ang mga hombrelicious na ito.
Kaya nang ipinakilala na sa publiko kung sino ang oppa ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya, si Alexander Lee, tila ang collective questions of all those who love kimchi at bibimbop, “Bakit siya?”
“The WHO si Alexander Lee?”
Hindi kasi siya kahulma of the rest of the Korean oppas that we have been accustomed with.
True, former member siya of U Kiss. Kaya lang, hindi ba pwedeng isa sa mga enumerated oppas ang pinagpilian para maging leading man ni Love Marie?
Halimbawa, si Kim Rae Won. Pasok na pasok siya palagi bilang bida sa mga romantic comedies.
Pwede ring si Won Bin na iba ang angas at dating. Pati buhok sa kili-kili niya eh trimmed.
Pasok na pasok din si Oh Ji Ho dahil very Pinoy looking ito.
Busy kaya sila? Sobrang expensive ang budget? Hindi sila marunong mag-English?
O sadyang Alexander is destined na pakiligin tayo?
Good luck sa paparating na dramang ito.
Kay Alexander Lee, welcome sa Pilipinas.