Ali ‘di nailang kay Robin

Nagmamarka ang dating PBB housemate at Binibining Pilipinas 2012 1st runner-up na si Ali Forbes sa seryeng ‘Sana Dalawa Ang Puso’ ng Kapamilya network. Hindi nga niya akalain na lagi niyang makakaeksena ang isang Robin Padilla. ‘Yung ilang niya nu’ng umpisa ay nawala na dahil alagang-alaga sila ng action superstar.

“Super saya po ng set namin kasi ang gaan lang po katrabaho lahat. Ang madalas ko pong kaeksena ay ang Tabayoyong family. ‘Yun po sila Kuya Robin Padilla, Ryan Bang, Elia (Ilano), Ylona (Garcia) at Miles (Ocampo).

“Sa story po naging mag-on na po si Kuya Leo (Robin) & Lisa (Jodi Sta.Maria) kaya lagi na rin po namin nakakasama sa set si Ate Jodi. Super thankful ako na nakasama ako sa ‘Sana Dalawa ang Puso’ kasi ang dami ko pong natutunan,” lahad ni Ali.

May bagong negosyo ang beauty queen-actress na magbubukas ngayong araw na ito. Ito’y isang steak house na may live band. Tinawag itong Good Guys na matatagpuan sa T. Gener cor. k1st, QC.

“Ka-partner ko po dito sina Direk Al Tantay, Joey San Andres at Roland Relos Group of Friends na mahilig sa music,” sey pa niya sa chat.