Not in good terms nga ba ang mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi? Wala na ba silang komunikasyon pagkatapos mapabalitang hiwalay na umano sila.

Noong magbakasyon si Cristine, ang kasama lang niyang ka-bonding ay ang kanilang anak na si Amarah. Wala si Ali.

Gayunpaman, idinenay ng aktres na hindi na sila nag-uusap.

Sey niya, natuwa nga raw ito nang malamang magbibida na siya sa isang action movie.

Hirit pa niya, boto raw si Ali Khatibi sa kanyang pagsabak sa ganitong klaseng genre.

“Bagay daw sa akin ang aksyon, sabi niya,” sey ni Cristine.

Dugtong pa niya, nag-wish pa nga raw ito ng good luck sa kanya.

Hindi na rin niya kailangang magpaturo ng martial arts kay Ali na isang mixed martial arts expert nu’ng gawin niya ang pelikulang “Maria”.

“Nag-training ako ng intensive training­ with Sonny Sison. A month of training.­ Madali nama­n iyong kunin. Madali rin naman iyong ma-pick up,” paglalahad niya.

Hindi rin daw siya nagpadobol dahil gusto raw niyang maging realistic ang mga ito.

Mula sa Viva Films, palabas na ang pelikula simula sa Marso 27.