Special guest ang beauty queen turned actress na si Ali Forbes sa Abante Tonite online show namin nina Rodel Fernando at Mildred Bacud na “Showbiz Pamore Tonite.” Dumating siya para i-promote ang pelikula nilang “Rainbow’s Sunset,” isa sa official entries sa darating na Metro Manila Film Festival 2018. Kasama rito sina Eddie Garcia, Gloria Romero, Sunshine Dizon at Aiko Melendez.
Ipinaliwanag ni Ali kung bakit “Rainbow’s Sunset” ang title ng kanilang pelikula.
“Kasi ano po siya, parang isang dapit-hapon sa buhay ng isang tao.”
Ikinuwento ni Ali ang kanyang karakter sa naturang pelikula.
“Ang role ko sa movie, para akong intern sa office ni Tirso Cruz..na magbibigay ako ng kulay, basta isa ako sa magbibigay-kulay sa ‘Rainbow’s Sunset.’ Pero ‘yung role ko, sobrang saglit lang, as guest lang. Pero may laman ‘yung role ko. Parang affected ang lahat ng main characters dahil sa akin.”
Napag-alaman namin na may video scandal siya sa naturang pelikula kasama si Tirso Cruz III. Paano kung sa totoong buhay ay magkaroon siya ng sex scandal?
“Hindi ko alam kung mangyayari ‘yun pero kung mangyayari man ‘yun…wala lang. Abangan niyo na lang. Ha ha ha!
“Siyempre masi-shock ako sa sarili ko. Kung may lumabas man o whatever nakaka-shock naman talaga. Pero siguro mas maaapektuhan ‘yung family ko. Iba ‘pag sinabing scandal, eh. Hindi mo malalaman kung magiging good or bad ‘yung epekto sa family. Pero I know in the end lagi ko silang makakasama. Laging nasa akin,” deklara niya.
Payo rin ni Ali sa mga nagkakaroon ng scandal na kausapin ang pamilya.
“Siyempre sila pa rin ang makakaintindi sa ‘yo. Kahit hinuhusgahan ka na ng maraming tao, sila pa rin ‘yung uunawa sa ‘yo,” sambit pa niya.
“Siyempre pamilya pa rin ang makaka-intindi sa ‘yo. Kahit hinuhusgahan ka na ng maraming tao, sila pa rin ‘yung uunawa sa ‘yo.”
Posibleng masungkit ng pangit
Wala pang karelasyon si Ali. Posible bang ma-inlove siya sa isang hindi kagwapuhan ?
“Puwede naman. Alam ninyo kasi, may kasabihan tayo na makukuha mo ang isang babae kapag may pinagdadaanan siya.
Halimbawa, kagagaling niya lang sa isang failed relationship, ‘yung heart-broken siya. Tapos may lalaking nag-comfort sa kanya, sinuportahan siya all the way, so kahit hindi siya kagwapuhan, puwedeng ma-inlove sa kanya ‘yung girl.”
Naging produkto/housemate ng “Pinoy Big Brother” si Ali. Masasabi niya na malaking tulong sa kanyang career ang pagpasok niya sa Bahay ni Kuya.
“After ‘PBB,’ maraming doors ang nagbukas sa akin. Nakasama ako sa ‘Sana Dalawa ang Puso’ (ang seryeng pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria, Robin Padilla at Richard Yap). Naging kapatid ako ru’n ni Robin. Tapos, sinabihan ako ni Kuya Pao (road manager ni Ali) na may gagawin akong movie, ito ngang ‘Rainbow’s Sunset.’ Hindi pa namin alam noon kung makakapasok ito sa filmfest. Ipinagdasal talaga namin na makapasok. At natutuwa naman kaming lahat na official entry nga kami sa filmfest. Nakakatuwa na after 2 years sa ‘PBB,’ tuloy-tuloy na ang pagdating ng mga projects sa akin,” lahad pa niya.
Sinigawan ni Joel Lamangan
Ang direktor ng “Rainbow’s Sunset” ay si Joel Lamangan, na kilalang isang terror na direktor na naninigaw ng artista kapag nagkakamali sa mga eksena. During the fil-ming ng kanilang pelikula, nakaranas ba siya na masigawan ni Direk Joel?
“Hindi!” sagot ni Ali
“Pero du’n sa blockings para sa unang take namin, sinabihan niya ako ng, ‘Ali, give me more!’ ‘Okey direk.’ Paano ba dapat? Parang pina-visualize niya sa akin kung paano ko gagawin ‘yung eksena.”
Nu’ng sinabihan siya ni Direk Joel ng give me more, hindi ba ‘yun pasigaw?
“Hindi naman,” pakli niya.
Sinabihan naman siya ni Direk Joel ng ‘good job.’
Si Tirso ang kaeksena ni Ali sa eksenang ‘yun.
“Sabi sa akin ni Mr. Tirso, ‘Ali, huwag kang mahiya sa akin.’ Gina-guide niya ako.”
Nu’ng unang malaman niya na mga beterana at beteranong artista ang makakasama niya sa “Rainbow’s Sunset” at si Direk Joel ang magiging direktor nila, ano ang naging initial reaction niya? Kinabahan ba siya?
“Unang-una, nu’ng nalaman ko na makakasama ko sila, na-excite ako. Kasi dati, napanood ko si Ms. Gloria sa ‘Tanging Yaman’ tapos si Mr. Eddie naman, napakarami niyang TV series and movies, lahat halos sila, pati si Ate Aiko. Bata pa lang ako, napapanood ko na sila, tapos ayun nakatrabaho ko na sila. So parang may pressure rin sa akin ‘yun. Pero tala
gang na-excite ako na naka-work ko silang lahat.”