Ali, Michelle pasok sa bobongga ang career

Ngayong ilang kandirit at kembot pa ay Pasko na, ang diva that you love, bago ilahad ang taunang You’ll Never Make It List, hayaan niyong ibalandra ko sa inyo ang sampung relative baguhan na walang dudang may chance na maging bonggang-bonggang ang mga karera at may super premium ang kanilang mga estrella sa susunod na taon and beyond.

My Beautiful Ones and dear Abante TONITE readers, mainit-init pa, heto na ang ang It Boys and Girls sa 2019

1. Ali Forbes – hindi ako sure kung may relasyon siya sa dating child wonder at twink na ngayon na si BJ Forbes, walang duda na si Forbes ay maalindog, mapanghalina at mapangahas. Ikaw na ang magka-sex scandal drama sa katauhan ni Tirso Cruz III sa Rainbow Sunset at balita, magbibida itong si Ali sa isang costume at historical drama na may full frontal requirements. Ngayong in maternity leave si Nathalie Hart, siya kaya ang tatanghaling bagong Millennial Bomba Queen?

2. Vance Larena – ang leader of the Bakwit Boys pack, kapapanalo lang sa ALIW Awards bilang Best Actor in a Featured Role. Si Larena ay marunong umarte lalo na nga’t pinanday sa teatro and it does help na may nagmumura itong sex appeal.

3. Michelle Vito – maganda, puwedeng beauty queen dahil slightly may hawig kay Megan Young at mas lalong pwedeng maging superstar super model dahil nga with or without makeup, talagang iba ang kanyang angking karisma. Kaabang-abang ang kanyang katauhan sa Otlum dahil sabi nga ni Direk Joven Tan, she was just playing her “maarte” self. Siyempre, bunghalit na tawa ang reaksyon ni Vito sa biro.

4. Enrico Cuenca – ang Oliver sa Onanay screams matinee idol! He has puppy dog eyes, parang may sensitivity na tunay na taglay na kasosyalan. You cannot take your eyes of him dahil alam mong this young man is not just only promising, but a superb sampling of fine young gentleman. Di nakakasawang pagmasdan. Parang kay sarap-sarap, polbo-polbohan!

5. Golden Canedo – kalimutan ang pagiging kamukha niya ang Popstar Royalty Sarah Geronimo dahil this Singing Sweetheart has a truly humahaplos sa pusong boses pag narinig mo siyang umawit. Alam niyo kung paano palabasin ang mga kuwentong nakapaloob sa isang kanta at tunay na napaka-charming.

6. Gab Lagman – gumaganap na Gio, ang nakakabatang kapatid ni Ace (Sam Milby) sa Halik. Model, basketball player, makinis ang kutis, full sensual lips at katawang hindi kinakahiyang ibalandra dahil lean and mean, he gives being a heartthrob the requisite heat.

7. Jane de Leon – gumaganap na Maggie, ang youngest­ sister ni Lino (Jericho Rosales), with doe eyes that can convey all sorts of emotions, at talagang hindi nagpapahuli sa pag-arte, kahit pa nga si Amy Austria o si Rosales ang madalas niyang kaeksena, this young miss is truly a pretty, young head turner.

8. JC Alcantara – unang napansin sa isang pancit canton commercial kung saan parang may mirror exercise siya sa katambal niyang babae, si JC ngayon ay si Bogs na, isa sa mga tauhan sa Dos Disenyos ni Lino. Pilipinong-Pilipino ang itsura, maamo ang mukha at pag siya ay ngumingiti at tumititig sa mga mata ni Maggie, wish mo talaga na ikaw si Maggie at gusto mong sabihin sa kanya na choose me, marry me, let me make you happy. Hahahaha!

9. EJ Salamante – ang may pinakamalaking chance na maging Reyna ng Banga sa Backlash singing competition sa Eat Bulaga. Kuwela, marikit, may bangs, fierce ang sense of fashion, higit sa lahat kabogera ang boses na babaeng-babae talaga. Walang problema sa pag-hit sa mga high note, hindi lang basta bumibirit pero la­ging may puso ang pag-awit. Anton Diva can now retire dahil dumating na si EJ.

10. Shido Roxas – completing and concluding the list is the man na walang dudang pagpapantasyahan ng lahat dahil sa kanyang mga hubad baro scenes at pakikipaglaplapan kay Ross Pesigan sa Rainbow Sunset. Brawny, brainy at beefcake kung beefcake, siya talaga ang papable papa nating lahat.