Masyado palang pinoproblema ng dating singer turned actress turned radio personality na si Ali Sotto ang awiting Tigidong na mapapanood sa Youtube.
Ilang taon na rin siyang apektado dahil kapag i-search mo ang pangalan ni Ali Sotto sa internet ay lumalabas din ang Youtube video na “Tigidong”. Ubod kasi ng bastos ang lyrics tungkol sa ari ng isang babae to the tune of “Rosas Pandan”.
Bakit apektadong-apektado si Ali? Sinasabi kasi umano ng mga netizen na siya raw ang umawit ng kantang iyon. Kaboses na kaboses umano niya ito pero sumusumpa si Ali na hindi siya iyon. Hindi raw niya ito magagawa dahil unang-una, babae rin siya at isa siyang Kristiyano.
Sinubukan daw ni Ali na i-message ang unang nag-upload nito pero wala siyang nakuhang sagot. Ang ikinagulat pa niya mas lalo pang dumami ang nag-upload nito.
Isang respetadong announcer ngayon si Ali sa DZBB, malaking kasiraan nga naman sa kanyang iniingatang pangalan na kapag i-search mo ang kanyang pangalan sa Youtube ay dadalhin ka sa napakabastos na video.
Balak na rin niyang dumulog sa National Bureau of Investigation upang magreklamo at malinis ang kanyang pangalan.