ALICE, FEEL NA FEEL ANG HOT SUMMER!

Alice Dixson

RAMDAM na ramdam pa rin ang init ng alindog ni Alice Dixson, huh?!

Agad humamig ng libu-libong likes ang recent pa-bikini niya sa Instagram.

Napaka-fashionably fit ni Alice!

Halatang nag-enjoy siya sa scuba diving sa Anilao, Batangas, huh?!

Mas katakam-takam pa yata ang alindog ni A­lice ngayon kesa noong nagsisimula pa lang siy­a sa showbizlandia at itinampok sa Palmolive shampoo commercial 30 years ago.

“I can feel it!”

At parang kailan lang na nagbida siya sa pelikulang Hot Summer (1989).

***

Mukhang malapit nang malaman ni Grace (Janine Gutierrez) kung ano ang tunay na pagkatao ni William (Marc Abaya) sa Kapuso afternoon series na Legall­y Blind.

Nakakatuwa pa ang Instagram post ni Janine showing her dog na pwede raw niya maging guard at pwedeng gantihan si William.

Kahit kasi sa gym ay sinasamahan siya nito.

Ani Janine, “Still trying to convince the team to cast Punch as Atty. Grace’s service dog.

Sa tingin ko, magiging ma­laking tulong siya sa pagganti kay William…

“Sa writers, pinag-workout ko na siya bilang paghahanda sa fight scenes.”

Igi-give up ba ni William ang obsesyon niya kay Grace?

Abangan!