After sa GMA 7, mag-a-ABS-CBN ba si Alice Dixson?

Nakita namin si Alice sa bakuran ng Kapamilya network noong Martes, pero dahil marami siyang kausap, hindi na namin siya nausisa kung sa Dos ba namin siya susunod na mapapanood.

Hindi kaya Star Ci­nema movie ang dahilan kaya nandoon si Alice?

Abang-abang sa init na ihahatid ni Alice sa mga Kapamilya!

***

KAHAPON ay may taping ang Destined To Be Yours nina Alden Richards & Maine Mendoza.

Nang makatsikahan namin sa backstage ng Eat Bulaga si Alden noong isang araw, natsika niya sa amin na ratsada na ang ta­pings nila ni Maine para sa kanilang primetime teleserye dahil matatapos na ‘yon.

Sabi namin kay Alden, OK na rin ang takbo ng teleserye nila ngayon, pero ang sabi ng binata, kailangang tapusin na ‘yon dahil magsisimula na sila ng second movie nila.

Kapag natapos ang Destined To Be Yours ay ‘yung shooting ng second movie nila ang sisimulan na nila kaagad.

Ang APT Entertainment at GMA Films pa rin ang magkasosyo sa pelikulang ‘yon.

***

Dumalo ang ilang PBA players ng Blackwater ni Mr. Deocildo Sy sa surprise birthday lunch ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar sa misis niyang si Las Piñas Representative Emmeline Aglipay-Villar.

Suportado ng nasabing PBA team ang mga proyekto ni Sec. Mark.

Biglaan ang surprise birthday lunch ni Sec. Mark sa kanyang misis, pero hindi siya nahirapan na kumbidahin ang ilang players ng Blackwater.

Kasabay ng birthday ni Rep. Emmeline ang World Lupus Day noong Mayo 10.

Naging very open si Rep. Emmeline sa pagkakaroon niya ng nasabing sakit, na wala palang lunas at puwede lang ma-control.

Sabi ng isang malapit sa mag-asawa, noong nililigawan pa lang ni Sec. Mark si Rep. Emmeline, kalbo ito.

Bago nito sinagot si Sec. Mark, tinanggal nito ang suot na wig dahil gustong makita ni Rep. Emmeline ang magiging reaksyon ni Sec. Mark.

Dahil sa pagiging honest ni Rep. Emmeline, lalo itong napamahal kay Sec. Mark at nauwi sa kasal ang kanilang relasyon.

Maraming tinutulu­ngang lupus patients ang mag-asawa at gusto nila na katulad ni Rep. Emmeline ay ma-control din ng mga ito ang nasabing sakit.

***

May fans na nagtatanong — kailan ipapa­labas ng ABS-CBN ang teleseryeng The Promise of Forever nina Paulo Avelino at Ritz Azul?!

May isang taon na pagkatapos lumipat sa ABS-CBN mula sa TV5 si Ritz, pero hindi pa naipapalabas ang kanyang first tele­serye sa Kapamilya network.

According sa isang artistang kasama sa kanilang teleserye, natapos na ang taping no’n at nagkaroon na sila ng wrap-up party.