EPISODE 5 na ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo sa GMA 7.

Mabubuking ang pagpapanggap ni Tonyo. Mapuputol ang maganda sana nilang pagkakaibigan ni Sara.

Matatanto ni Tonyo na mali ang ginawa niya para lang mapansin ng dalaga.

Muli silang pagtatagpuin ng tadhana…

Nagha-harvest ng mga pananim sina Lola Goreng (Gloria Romero), Elvis (David Remo) Moira (Chlaui Malaya) at Alice (Jillian Ward) na ibebenta nila.

Pagdating nila sa bahay, maaabutan nila ang hermana mayor na iniimbitahan sila na sumali sa gagawing Santacruzan sa lugar nila.

Noon pa pala pinapa­sali si Alice pero aya­w niya. Tanging si Elvis lang ang nakakapag-participate bilang konsorte. Masesenti si Moira na sana makasali siya, kasi, hindi pa siya nakaka-experience na ma­ging sagala.

Nang marinig ito ni Lola Goreng, she allows Moira na makasali hanggang sa pati si Alice ay mapapa-oo na rin.